Umiigting ang huling paghabol ni Kiko para sa pagka-senador

Umiigting ang huling paghabol ni Kiko Pangilinan para sa pagkapanalo sa Senado

Jan Escosio |
Eleksyon 2025 -
May 09, 2025 - 05:51 PM

Umiigting ang huling paghabol ni Kiko Pangilinan para sa pagkapanalo sa Senado

PHOTO: Facebook/Kiko Pangilinan

NANINIWALA si dating senador at kandidato sa pagka-senador na si Kiko Pangilinan na ang kanyang huling bugso ng kampanya ang magtutulak sa kanya upang makakuha ng inaasam na puwesto sa Senado sa darating na halalan sa May 12.

Habang nakatayo sa ibabaw ng isang pick-up truck na ginawang pansamantalang entablado sa harap ng Ilocos Sur Provincial Capitol noong Huwebes, Mayo 8, ipinaliwanag ni Pangilinan kung paanong nasa 20 porsyento ng mga botante ang nagdedesisyon lamang kung sino ang iboboto sa mismong araw ng halalan.

“Walang bibitiw. Tuloy-tuloy ang pagkukumbinsi. Sa totoo lang, base rin sa research hanggang 20% po ng botante hanggang sa araw ng halalan hindi pa magde-decide. Doon na lang sa araw ng halalan sasabihin, ‘Teka nga muna, sino nga ba ang ating senador?’,” sey ni Pangilinan.

“Kaya kinakailangan puntahan pa sila, mag-marites na wag maniwala sa kasinungalingan. Doon lamang sa katotohanan,“ dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Frankie Pangilinan nanawagan sa lahat ng mayor na suportahan si Kiko

Sa nalalabing dalawang araw ng campaign period, magsasagawa si Pangilinan ng sunud-sunod na kampanya sa Hilagang Luzon ngayong araw, simula sa Ilocos Sur, kung saan aniya ay palagi siyang nananalo sa tuwing siya’y tumatakbo bilang senador.

“Pito hanggang walo ang naglalabanan sa huling tatlo o apat na slot kaya sabi nga nila, it’s neck-and-neck at dahil neck-and-neck, pwe-pwede pa ba na tuloy-tuloy pa natin ’yung pagkukumbinsi dito sa Vigan, dito sa Ilocos Sur?” tanong niya sa kanyang mga tagasuporta.

Tumakbo si Pangilinan sa plataporma ng food security at pagpapababa ng presyo ng pagkain, at plano niyang higit pang paigtingin ang kampanya sa natitirang mga araw bago ang halalan.

Ang kanyang caravan sa Luzon ay dadaan sa Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan ngayong Mayo 8, bago tumuloy sa Tarlac at Pampanga sa Mayo 9, at magtatapos sa Bulacan at Quezon City sa Mayo 10, ang huling araw ng campaign period.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »