Pag-IBIG members mas malaking ‘loan’ na ang makukuha, ayon sa Palasyo

INQUIRER file photo
MAY good news para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund!
Ayon sa Malacañang, mas pinalaki at pinabilis na ngayon ang proseso ng pagkuha ng cash loans mula sa kanilang Multi-Purpose Loan (MPL) program.
“Dala ng patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro, mas pinalaki at pinadali na lang pag-qualify sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan,” sey ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa ulat ng INQUIRER.
Ayon pa kay Castro, puwede nang umutang ng hanggang 90% ng total savings ang isang qualified member.
Baka Bet Mo: Maja tumatanaw pa rin ng utang na loob sa ABS-CBN: Hindi naman biro ang 18 years…
Ito raw ay mas mataas kumpara sa dating 80% lang ang nakukuha.
“Para sa miyembro, dinagdagan at in-upgrade ang kanilang regular saving lalo pang tataas ang kanilang loan amount dahil nakabase sa kanilang ipon ang kanilang mahihiram,” paliwang ng undersecretary.
Patuloy niya, “Sa kabuuan, mas malaki ang maaring matanggap ng mga miyembro mula MPL upang lalong makatugon sa kanilang pangangailangan.”
Maliban sa MPL, level up na rin sa mas pinadaling proseso ang ibang short-term loan programs, tulad ng Health and Education Loan Programs (HELPS) at Calamity Loan.
Kung dati’y kailangan mo ng 24 buwan na kontribusyon, ngayon ay 12 buwan na lang!
Ang ibig sabihin niyan, mas mabilis nang makakahiram sa Pag-IBIG kung biglaang may gastusin pang-eskuwela, pang-gamot, o kahit pang-repair ng bahay.
“Pinaigsi na rin ang panahon para maging eligible ang miyembro sa pag-avail ng loan,” wika ni Castro.
Aniya pa, “Dahil dito mas maaga na maka-access ng pondo ang mas nakakaraming miyembro para sa kanilang mga agarang pangangailangan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.