Camille Villar inendorso ni Isko Moreno sa Kampanya sa Manila

Camille Villar inendorso ni Isko Moreno sa Kampanya sa Manila

Jan Escosio |
Eleksyon 2025 -
May 08, 2025 - 04:55 PM

Camille Villar inendorso ni Isko Moreno sa Kampanya sa Manila

PORMAL na inendorso ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso si senatorial candidate Camille Villar sa isang kampanyang ginanap sa Paco, Maynila.

Ito ay ilang araw bago ang halalan sa May 12, na ikinatuwa ng libu-libong tagasuportang dumalo sa kabila ng pag-ambon.

Isinabay ang pag-endorso sa kampanya ng buong local slate ni Moreno na tinaguriang “Yorme’s Choice,” na kinabibilangan ni vice mayoral bet Chi Atienza, 5th District congressional candidate Rep. Amado Bagatsing, at isang kumpletong hanay ng mga kandidato para sa city council.

Sa kanyang talumpati sa Pedro Gil Street, hinikayat ni Moreno ang mga Manileño na isama si Villar sa kanilang listahan ng 12 senador na iboboto.

Baka Bet Mo: Camille Villar naki-join sa Bangus Festival sa Dagupan, susuportahan ang pangingisda

“Pwede ba isingit na natin ito sa labing dalawa? Ang ating senador, Camille Villar!” sigaw ni Moreno na sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa mga dumalo.

Nagpasalamat si Villar sa mainit na suporta ni Moreno at nangakong isusulong sa Senado ang mga programang kapaki-pakinabang sa mga taga-Maynila, tulad ng tulong sa maliliit na negosyo, abot-kayang pabahay, serbisyong pangkalusugan, at karapatan ng kababaihan at LGBTQ+.

Ibinahagi rin niya ang kanyang pinagmulan, lalo na ang kuwento ng kanyang amang si dating Senate President Manny Villar, na ipinanganak at lumaki sa Moriones, Tondo at nagsimulang magtinda ng seafood sa Divisoria — karanasang aniya ay nagturo sa kanya ng malasakit at sipag.

Katulad niya, si Isko Moreno ay galing din sa Tondo at umangat mula sa kahirapan tungo sa pagiging kilalang lingkod-bayan.

Bilang alkalde, nakilala si Moreno sa mga makabuluhang proyekto at pagtutok sa mga batayang serbisyo para sa mamamayan. Ngayon, nangunguna siya sa mayoral race sa Maynila bilang bahagi ng kanyang pagbabalik sa serbisyo publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Villar, kapwa sila ni Moreno ay may layunin na matiyak na ang bawat Manileño ay may maayos na tirahan, edukasyon, serbisyong medikal, at oportunidad sa kabuhayan.

Itinuturing ang pag-endorso ni Moreno bilang malaking tulong sa kampanya ni Villar sa Maynila, lalo’t malaki ang impluwensiya ng dating alkalde sa mga botante sa lungsod.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »