Isko Moreno malaki ang lamang sa Octa survey

Isko Moreno malaki ang lamang sa Octa survey, 63% ang voter preference sa Manila

Jan Escosio |
Eleksyon 2025 -
May 02, 2025 - 12:28 PM

Isko Moreno malaki ang lamang sa Octa survey, 63% ang voter preference sa Manila

SABI ng Octa Research na sakaling N araw gagawin ang eleksyon ay 100% na mananalo ang tambalang Isko Moreno Domagoso at Chi Atienza sa pagka-alkalde at bise alkalde sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Prof. Ranjit Singh Rye, President ng Octa Research, batay sa resulta nang isinagawa nilang survey nitong Abril 20 hanggang 23, 2025 sa 710,980 respondents mula sa anim na distrito ng Maynila, nakakuha ng kabuuang 63% voter preference si Domagoso mula sa anim na distrito ng Lungsod ng Maynila.

Malayo ito sa mga nakuhang porsiyento ng kanyang mga katunggali na sina incumbent Mayor Honey Lacuna na 18%, Sam Versoza na 16% at Raymond Bagatsing na 1%.

Bagama’t tumaas ng 3% mula sa kanyang dating rating na 15% si Mayor Lacuna, nananatili pa rin na nasa margin of error ito na +/-3% sa OCTA Research survey.

Baka Bet Mo: Pangako ni Isko: Tanggalin ang asawa ni Mayor Lacuna sa Manila City Hall

Si Chi Atienza naman ay nakakuha ng 60% voter preference habang ang katunggali nito na kasalukuyang Vice Mayor ng Maynila na si Yul Servo Nieto ay nakakuha lamang ng 33%.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »