Misis ni Ka Freddie: Magpapahinga 'pag pagod na tapos laban uli

Misis ni Ka Freddie humugot: Magpapahinga ‘pag pagod na tapos laban uli

Ervin Santiago - May 27, 2025 - 12:49 PM

Misis ni Ka Freddie humugot: Magpapahinga 'pag pagod na tapos laban uli

Freddie Aguilar at Movie Albao

WALA pang inilalabas na opisyal na pahayag si Jovie Albao tungkol sa pagpanaw ng kanyang asawang OPM icon na si Freddie Aguilar.

Ang unang nagkumpirma sa pamamaalam ni Ka Freddie ay ang abogadong si George Briones, general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas. Dating national executive vice president ng PFP ang OPM legend.

Ngayong araw, May 27, dakong 1:30 a.m., namatay si Ka Freddie habang naka-confine sa Philippine Heart Center. Ayon sa paunang ulat, cardiac arrest ang kanyang ikinamatay.

Ilang araw bago ang pagyao ng iconic singer-songwriter, nag-post pa sa Facebook si Jovie tungkol sa pangungumusta sa kanya at sa health condition ni Ka Freddie.

Kalakip ng kanyang litrato na naka-smile, ay ang mensahe niya sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal at concern sa kanilang pamilya.

“Nakakatouched yung mga kinukumusta rin ako sa gitna ng kalagayan ni Freddie. Hindi ko kayo maisa-isa replayan pero wag kayo mag alala ok lang ako, always finding courage in the face of fear.


“Ang daming nangyayari this week, maraming nakakaiyak na moments pero hindi pa tayo pwedeng maging mahina. Kailangan ko palaging maging malakas para mabantayan ko sya oras-oras.

“Ang priority natin ngayon ay ang kalagayan ni Freddie, pasensya na kayo na wala akong mabigay na detailed info sa inyo kasi pang-pamilya at malalapit na kaibigan lang muna ito,” ang bahagi ng post ni Jovie.

Patuloy pa niya, “Basta ang masisigurado ko lang sa inyo, he’s in good hands and he’s getting all the medications he needs.

“Alam ko po na maraming nag aalala sa inyo. Naiintindihan ko po ang curiosity nyo sa kung anong nangyayari, pero yung mga nashare ko lang po sa inyo ang gustong ipa-share ni Freddie sa ngayon. Mag pray lang po tayo. Magiging maayos din ang lahat.

“Sa mga nag memessage sa kanya, hindi pa rin po nya kayo marereplayan kasi bawal pa po sya mag cellphone pero sisiguraduhin ko pong makakarating ang mga mensahe nyo.

“To my dearest close friends, don’t worry about me. Magpapahinga tayo pag pagod na tapos lalaban ulit,” ang kabuuang pahayag ng asawa ni Freddie Aguilar.

Sa isang hiwalay na FB post, patuloy na nagpakita ng katatagan at tapang si Jovie. Ipinost niya ang litrato ng iniinom niyang kape na kuha sa Philippine Heart Center.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Stay strong, things will get better. It may be stormy now, but it can’t rain forever,” sabi niya sa caption.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »