Sol Aragones nagsalita na sa pagsuporta kay Rodante Marcoleta

Sol Aragones sa pagsuporta kay Marcoleta: ‘This is for Laguna, regardless of our past!’

Reggee Bonoan |
Eleksyon 2025 -
May 08, 2025 - 08:03 AM

Sol Aragones sa pagsuporta kay Marcoleta: 'This is for Laguna, regardless of our past!'

Sol Aragones, Rodante Marcoleta

HOSPITAL para sa constituents sa Laguna ang kapalit ng pag-endorso ni Sol Aragones kay senatorial candidate Rodante Marcoleta.

Si Aragones ay kumakandidatong gobernadora sa lalawigan ng Laguna at si Marcoleta ang isa sa nagpasara ng ABS-CBN kung saan umabot sa mahigit sa 11,000 empleyado ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Si Aragones ay dating news reporter at host ng TV Patrol kaya naman kaliwa’t kanan ang batikos sa kanya ng mag-viral ang larawan nila ni Marcoleta sa campaign rally kamakailan sa Laguna at aware naman pala siya rito.

Base sa panayam ng Rappler kay Sol Aragones ay bukas siya sa lahat ng kandidato sa pagka-senador na gustong tumulong sa adbokasiya niya para sa mga kababayan niya sa Laguna na may populasyong 3.3 million.

Baka Bet Mo: Sol Mercado nakipagsagutan sa nang-okray kay Sandra Lemonon; Denise Laurel nadamay

Aniya, “Tumatakbo ako sa pagka-gobernador. Lahat ng senatorial candidates na lumalapit sa akin at gustong sumama sa akin sa entablado, pinahihintulutan ko sila anuman ang kanilang kulay sa pulitika. Ngunit sa isang kundisyon na tulungan nila ang aking mga nasasakupan sa aming pagnanais ng maayos na ospital.”

Bukod kay Marcoleta ay kasama rin sina Vic Rodriguez, Willie Revillame sa nagsalita sa nakaraang May 3 rally sa nasabing lalawigan at nagpadala naman ng video messages ang reelectionist na sina Francis Tolentino, Bam Aquino, Pia Cayetano, at Bong Go.

Sabi pa ni Aragones, “This is not about me anymore. This is about the fight for Laguna, regardless of our past. My love for ABS-CBN, I fought for that, and that will never go away, I respect the opinions of others. I just hope they also respect me in my fight.”

Samantala, miyembro ng Iglesia ni Cristo si Rodante Marcoleta at kahit na ini-endorso na siya ni Sol Aragones ay hindi siya suportado ng INC.

“I was not endorsed by the Iglesia ni Cristo, but I respect that,” sey ni Sol Aragones.

Ang kalaban sa parehong posisyon ang ini-endorso ng Iglesia ni Cristo na si Gng. Ruth Hernandez, asawa ni dating Governor Ramil Hernandez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, anuman ang katwiran ni Aragones sa  pag-endorso niyang ito kay Marcoleta ay maraming netizens ang hindi tanggap ang ginawa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »