Rufa Mae ayaw nang maghabol kay Trevor: Kadiri naman kung hindi ako titigil

Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes
MAHAL pa rin ng komedyanang si Rufa Mae Quinto ang kanyang husband na si Trevor Magallanes pero kinailangan na raw talaga nilang maghiwalay.
Kuwento ni Rufa Mae, legal pa rin daw silang mag-asawa ni Trevor dahil hindi pa naman napapawalang-bisa ang kanilang kasal.
Maayos rin ang ugnayan nila ngayon at nananatili pa rin ang respeto nila sa isa’t isa bilang mga magulang ng kanilang anak na si Athena.
“Move on muna. Pero we respect each other. Kasi nga masyado nang ano eh, ’di ba para mag-clarity na rin lahat,” ang pahayag ni Rufa Mae sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
May mga pagkakataon daw na nalulungkot siya at nakakaramdam ng panghihinayang, “Siyempre mahal ko, asawa ko ‘yun eh, ‘di ba?
“Hanggang ngayon naman asawa ko pa rin naman siya, eh. Kaya lang, ayaw na rin niya, so ayaw ko na rin at ginagalang ko ‘yun. Kasi mas kadiri naman kung ayaw ko pang tumigil, ‘di ba?” saad ng aktres.
View this post on Instagram
Sinubukan din daw nila ng nakahiwalay na asawa na i-save ang kanilang marriage, “Kaya lang siguro gusto lang namin ng magkaiba, maraming dahilan na hindi na rin namin alam, basta mas masaya kami siguro nang ganito.”
Ipinapaliwang din niya kay Athena ang sitwasyon nila ni Trevor, “Sinasabi ko sa kaniya na your dad will always be your dad kahit anong mangyari. Tapos kinakausap ko na lang siya.
“Siyempre may pinagdaanan din si Athena, na-depress din siya and everything, pero lagi kong sinasabi na tomorrow is another day,” sabi ni Rufa Mae.
Sabi pa raw niya sa anak, “Tatay mo ‘yan, hindi naman mapapalitan, ‘di ba? ‘Yan ang daddy mo habambuhay. Kaya kung hindi siya ngayon available or gusto niyang mag-rest or away, space, eh okay ‘yun. Wait lang tayo.”
Dagdag pa ng komedyana, nag-alala talaga siya nang bonggang-bongga para sa anak nang magdesisyon sila ni Trevor na maghiwalay na.
“Iniisip ko ‘yung anak ko na papaano ‘yun baka mag-adjust, masaktan,” sey ni Rufa Mae.
Ikinasal sina Rufa Mae at Trevor noong 2016 habang isinilang ng komedyana si Athena nang sumunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.