Bernard Palanca pinagsisihan ang pagkalulong sa ilegal na droga

Bernard Palanca pinagsisihan ang pagkalulong sa ilegal na droga

Ervin Santiago - May 12, 2025 - 12:10 AM

Bernard Palanca pinagsisihan ang pagkalulong sa ilegal na droga

Bernard Palanca

KUNG makakabalik lamang sa nakaraan ang aktor na si Bernard Palanca, nais niyang baguhin ang bahagi ng kanyang buhay nang malulong sa ilegal na droga.

Pinagsisisihan ng aktor ang paggamit noon ng ipinagbabawal na gamot at nagpapasalamat siya sa lahat ng taong naging bahagi ng kanyang pagbabago hanggang sa tuluyang malagpasan ang naturang pagsubok.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, nabanggit ni Bernard na kung makakabalik nga siya sa past, hinding-hindi niya titikman ang droga.

“If it is possible to go back Tito Boy, if that possibility was there, and if I could, I would definitely go back to the very first day that I tried, you know, doing something,” ang pahayag ni Bernard.

Dagdag pa niya, “I will tell myself I wouldn’t do it at all, because that was the start, eh. When that happened, that caused already the rest of the way.

“So, if I didn’t take the first puff as they say back then, I don’t think my life would have went in that direction at all,” sey pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Palanca Beej (@iambjp.76)


Matagal-tagal ding nawala sa mundo ng showbiz si Bernard noon dahil nagdesisyon siyang sumailalim sa rehabilitation upang muling ayusin ang kanyang buhay at career.

Matatandaang sumikat si Bernard  dekada 90 at nakilala bilang isa sa mga heartthrob ng ABS-CBN at naging miyembro ng grupong The Hunks, na kinabilangan din nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, at Carlos Agassi.

May dalawang siyang anak na lalaki mula sa mga dating nakarelasyon – sina Meryll Soriano at Jerika Ejercito.

Ka-join si Bernard sa seryeng “Slay”, ang first Viu Original series ng GMA 7, na pinagbibidahan nina Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega, Mikee Quintos at Derrick Monasterio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »