Kapatid ni Rico Blanco na si Rey pumanaw na sa edad 50, nagka-skin cancer

Rey and Rico Blanco
PUMANAW na si Rey Blanco, ang bunsong kapatid ng singer-songwriter na si Rico Blanco, sa edad 50
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang anak na si Daniela at ng Rivermaya drummer na si Mark Escueta sa pamamagitan ng social media ngayong araw, May 15.
“Our daddy King has peacefully joined our Creator,” ayon sa post ng anak.
Mensahe pa niya, “We love you always and forever, Dad. Like you always say: Thank you, love you.”
Baka Bet Mo: Rico Blanco mas naging open sa relasyon nila ni Maris Racal pero may ‘itatago’ pa rin sa publiko
Gaganapin ang burol ni Rey sa Heaven’s Park sa Biñan, Laguna (dating Arlington), habang ang libing ay gaganapin sa Martes, May 20 sa Everest Hills Memorial Park sa Muntinlupa, pagkatapos ng funeral mass sa Heaven’s Park sa ganap na 1 p.m.
Nagbigay rin ng mensahe si Mark, ang dating bandmate ni Rico sa Rivermaya bago ito nagdesisyong mag-solo sa kanyang music career.
Sa kanyang Instagram page, isinulat ni Escueta: “Paalam, kapatid [folded hands emoji].”
View this post on Instagram
Kung matatandaan nitong taon, humiling ng panalangin si Rico para kay Rey matapos itong ma-diagnose ng “advanced and very aggressive type of squamous cell carcinoma,” isang uri ng skin cancer.
Ayon sa dating bokalista, ito na raw ang pinakamahirap na laban ng kanilang pamilya at umaasa siyang hindi pa huli ang lahat para sa kanyang kapatid.
“Please pray for King’s strength and healing. Only heaven really knows what’s best for my dear brother but we are keeping our hopes up,” saad ni Rico noon sa post.
View this post on Instagram
Aniya pa, “I cannot bear to imagine a world without him in it. This is our toughest battle. Please, please help us win.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.