Ging Reyes dismayado sa pag-endorso ni Aragones kay Marcoleta

Ging Reyes dismayado sa pag-endorso ni Sol Aragones kay Marcoleta

Therese Arceo - May 07, 2025 - 04:06 PM

Ging Reyes dismayado sa pag-endorso ni Sol Aragones kay Marcoleta

DISMAYADO ang dating ABS-CBN News and Current Affairs head na si Ging Reyes sa ginawang pag-endorso ng dating Kapamilya reporter-turned-politician na si Sol Aragones sa kandidatura ni Rodante Marcoleta.

Agad na nag-viral ang larawan ni Sol na itinaas ang kamay ni Marcoleta na nagpataas ng kilay ng mga netizens.

Sa katunayan, ibinahagi ni Ging ang screenshot ng isang tweet ng netizen sa kanyang Facebook page.

“Mababasa sa nabanggit na X post, “Hindi ka ba nandiring itaas ang kamay ng taong nasa forefront ng pagtutol sa renewal ng franchise ng mother network mo? Ang bilis makalimot ng pulitiko ‘no?” caption ng naturang netizen.

Baka Bet Mo: Ging Reyes nagretiro na bilang chief ng ABS-CBN News

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Samantala, ipinahiwatig naman ni Ging ang kanyang saloobin sa nakita.

“The month of May is always eventful. More so this year, with the upcoming elections.

“For me and thousands of kapamilya, marking 5 years since ABS-CBN’s broadcast shutdown brings back painful memories. That wound was deep. Apparently, not for everyone,” saad ni Ging.

Matatandaang limang taon na ang nakalilipas buhat nang tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong May 5, 2020.

Ito ay nagresulta ng pagkawala ng trabaho ng libu-libong kasamahan ni Ging sa Kapamilya network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At si Marcoleta, ang inendorso ng Laguna 3rd district solon, ay isa sa mga kongresista na nanguna kontra sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Wala pa namang inilalabas na pahayag si Sol hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Aragones tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »