Willie Revillame isusulong ang ‘batas para sa mahirap’ sa senado

Willie Revillame isusulong ang ‘batas para sa mahirap’ kung papalarin sa senado

Therese Arceo |
Eleksyon 2025 -
May 08, 2025 - 08:20 AM

Willie Revillame isusulong ang ‘batas para sa mahirap’ kung papalarin sa senado

DIRETSAHANG inusisa ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang TV host at senatorial aspirant na si Willie Revillame kung ano ang plano nito sakaling palaring manalo sa senado.

Sa kanyang panayam sa TV host na mapapanood sa Facebook page nito ay tahasang nang tinanong ang TV pers siya tungkol sa kanya

Sa exclusive interview sa kanya ni Tito Boy ay tahasan siyang tinanong nito sa dahilan ng kanyang pagpasok sa mundo ng politika at kung ano ang plataporma nito sakaling manalo sa pagkasenador.

Kuwento ni Willie, noon pa man ay inaawitan na siya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na kumandidato ngunit noong mga panahong iyon ay aminado siyang hindi pa handa.

Ngunit ngayon ay naging desidido siyang tumakbo matapos makita ang hindi nagkakasundo sa Kongreso at ang problemang kinakaharap ng Senado.

Baka Bet Mo: Willie Revillame bad trip nga ba habang nagmo-motorcade sa kampanya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang napapanood ng mahihirap na tao ay puro away. Parang sabi ko it’s about time na gumawa naman ako ng paraan para sa mga mahihirap kong kababayan,” saad ni Willie.

Kaya naman nang natanong siya kung ano ang baon at kung anong batas ang ipapanukala niya sakaling manalo siya sa pagkasenador ay sinabi niyang gagawa siya ng batas para sa mahihirap.

“Alam mo para sa akin, batas para sa mahirap. Dapat may batas tayong tumitingin sa ating mga kapos-palad na kababayan. Sino ba mga bumoboto? Sino mga tumatangkilik sa atin, mahihirap. Dapat ibinabalik din natin sa kanila ‘yan. Iyan ang batas na gusto kong gawin. Batas para sa mahihirap,” sey ni Willie.

Pagpapatuloy niya, “Ano ang kailangan ng mahirap? Mabuhay nang maayos. ‘Di ba? Hindi ‘yong nabubuhay na laging may sakit. Ganitong nararamdaman. Walang trabaho. Walang edukasyon. Iyan ang pinaka-basic na kailangan natin.”

Plano ni Willie na unahing magsagawa ng batas para sa kalusugan, trabaho, investors, at pangangailangan ng mga kabataan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »