Juan Pinoy tahimik na lumalaban para sa Filipino, suportado ni Yul Servo

Yul Servo
SA panahong marami pa ring Pilipino ang hirap makakuha ng batayang serbisyo, tumitindig ang Juan Pinoy bilang pag-asa ng masa.
Itinatag noong 2016 bilang isang non-government organization (NGO), ang Juan Pinoy ay may layuning itaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon.
Ngayon, sila ay kabilang na sa mga opisyal na partylist na inaprubahan ng Commission on Elections, at handang magsilbi sa mas malawak na saklaw—lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Hanggang ngayon ay suportado pa rin sila ng premyadong aktor at public servant na si Yul Servo na kaisa nila sa lahat ng isinisulong at ipinaglalabang adbokasiya.
Mula Maynila hanggang Cebu at iba’t ibang lalawigan sa Luzon, dama ang epekto ng kanilang mga proyekto. Namahagi sila ng libu-libong kagamitang medikal tulad ng wheelchair, nebulizer, blood pressure monitor, hearing aid, walker, at cane—lahat ito’y ibinibigay sa mga higit na nangangailangan.
Hindi lang kagamitan ang hatid nila. Nagbibigay rin sila ng libreng maintenance na gamot at bitamina, at nakapagsanay na ng libu-libong Pilipino sa iba’t ibang programang pangkabuhayan.
Tuwing may sakuna, naroon agad ang Juan Pinoy—nagbibigay ng mainit na pagkain at agarang tulong sa mga apektadong pamilya.
Sa paglahok nila sa party-list system, layunin nilang maging boses sa Kongreso para sa mga karaniwang Pilipino—lalo na sa mga komunidad na madalas ay hindi napapansin.
Ang serbisyong iniaalay ng Juan Pinoy ay tahimik ngunit epektibo, tapat at direkta sa mga nangangailangan.
Sa lumalawak nilang presensya, pinapatunayan nilang hindi kailangang maingay para maramdaman—ang kailangan lang ay taos-pusong malasakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.