Sharon super idol ni Roselle Monteverde, gagawa uli ng movie sa Regal?
GAGAWA na kaya ng pelikula si Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan sa Regal Entertainment?
Kaya namin ito naitanong ay sa dahilang hindi na siya naka-exclusive contract ngayon sa alinmang movie outfit.
Nasambit din ng maybahay ng senatorial candidate na si Kiko Pangilinan, na noong medyo tumaba siya ay ang namayapang si Mother Lily Monteverde ang nagbigay sa kanya ng pelikula.
Ito nga ang 2009 Metro Manila Film Festival entry na “Mano Po 6: A Mother’s Love” kung saan nanalo si Mega bilang best actress.
Sa nakaraang mediacon ng mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde bilang suporta kay Kiko ay inamin ng una na fan siya ni Sharon noon pa at gusto niyang makatrabaho ang Megastar.
View this post on Instagram
“You know naman idol kita ever since and you know, I’m a fan to this industry (and) I’ve been really wanting to work with you,” bungad ng lady producer.
Inamin din ni Msm Roselle na itutuloy nila ng anak na si Atty. Keith ang naiwang legacy ng inang si Mother Lily at isa na nga ang pagsuporta sa mga kandidato na may magandang adbokasiya sa bayan kabilang na si Kiko Pangilinan.
Twenty years nanirahan sa Amerika ang panganay na anak ni Mother at pinauwi siya sa Pilipinas.
Balik-tanaw ni Roselle, “As children of mother, we just want to continue a legacy that she left us always because she loved this country, kahit ako pinauwi niya rito, I was in the US for over 20 years, my son (Atty. Keith Monteverde) also stayed (US) for 30 years.
“So, sinasabi niya (mother lily) palagi ‘umuwi kayo sa Pilipinas, ‘wag kayo diyan, dito kayo.’ Kasi super mahal niya ang Pilipinas, mahal niya ang movie industry, mahal niya kayong (entertainment media) lahat.”
Anyway, isa kami sa umaasang sana nga ay makagawa ulit ng pelikula si Sharon sa Regal Entertainment soon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.