Yanna may death threats kaya wala sa road rage hearing ng LTO

Yanna may death threats daw kaya no-show sa road rage hearing ng LTO

Ervin Santiago - May 07, 2025 - 12:00 PM

Yanna may death threats daw kaya no-show sa road rage hearing ng LTO

Yanna Aguinaldo

HINDI nakapunta ang motovlogger na si Yanna Aguinaldo sa pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) kahapon, May 6, para sa kinasasangkutan nitong “road rage” incident.

Isang viral social media personality si Yanna na nakilala sa kanyang Yanna Motovlog.

Ang naturang LTO hearing ay may kaugnayan nga sa kinasangkutang insidente ng road rage na nangyari sa Zambales kung saan nakipag-away siya with matching dirty finger pa sa isang motorista.

Sa kabila ng pag-iisyu ng public apology ay hindi pa rin tumitigil ang mga netizens sa pagbatikos sa motovlogger na pinadalhan nga ng LTO ng show cause order dahil sa nasabing pangyayari.

Base sa naging pahayag ng kanyang abogado, hindi raw nakarating ang vlogger sa pagdinig dahil sa isyu ng seguridad.

May mga natatanggap daw kasing mga pagbabanta sa buhay si Yanna mula nang mag-viral ang kanyang video, bukod pa iyan sa pang-iinsulto at pambabastos sa kanya ng bashers.


Humingi ng paumanhin si Yanna sa LTO sa pamamagitan ng isang sulat pati na rin sa pick-up driver na si Jimmy Pascua, na nakaalitan niya sa naturang insidente.

Handa rin daw niyang harapin ang  anumang parusang ipapataw sa kanya ng LTO.

Kasunod nito, inatasan ng LTO si Yanna na isuko ang kanyang driver’s license at iharap ang kanyang motorsiklo sa susunod na hearing na itinakda bukas, May 8.

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Yanna, desidido pa rin si Pascua na sampahan siya ng kaukulang kaso dahil sa umano’y ginawa nitong pambabastos sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »