Rendon kinastigo si Yanna: Sasampalin kita ng katotohanan!

Rendon Labador kinastigo si Yanna: Sasampalin kita ng katotohanan!

Ervin Santiago - May 05, 2025 - 12:05 AM

Rendon Labador kinastigo si Yanna: Sasampalin kita ng katotohanan!

Yanna at Rendon Labador

HINDI rin nakapagtimpi ang social media personality na si Rendon Labador na maglabas ng saloobin sa nag-viral na motovlogger na si “Yanna“.

Hanggang ngayon ay binubugbog sa social media si Yanna dahil sa pakikipag-away with matching dirty finger pa sa isang motorista.

Sa kabila ng pag-iisyu ng public apology ay hindi pa rin tumitigil ang mga netizens sa pagbatikos sa motovlogger na pinadalhan na rin ng Land Transportation Office (LTO) ng show cause order dahil sa nasabing pangyayari.

Sa kanyang Facebook page, tinalakan nga ni Rendon ang motovlogger, “Yanna, paalala lang… ang pagiging influencer ay isang malaking responsibilidad.

“Mayroon tayong social responsibility na dapat tayo ang manguna sa pag papakita ng respeto sa kapwa. Nakakalungkot na hindi mo naibagay ang ugali mo sa itsura mo. Muka kang mabango pero ang baho naman ng ugali mo,” bahagi ng FB post ni Rendon.

Patuloy pa niyang mensahe kay Yanna, “Eto ang payo ko sayo bilang kuya na galing na sa sitwasyon mo ngayon. Mahirap yang pinagdadaanan mo, alam ko.


“Kahit maging feeling tough ka, alam kong nasa dilim ka ngayon. Sana ibaba mo ang ego mo at humingi ka ng tawad sa mga tao,” sabi pa ng motivational speaker.

Dagdag pang hirit ni Rendon, “Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng kayabangan, hindi ka naman sikat at lalong hindi ka naman sobrang ganda, hindi ka din naman sobrang yaman para mag attitude.

“Sana sa mga taong hindi kaya mag pakita ng ‘respeto’ sa kapwa, paki usap huwag na muna kayong lumabas ng bahay.

“I-respeto natin ang motorcycle community, huwag nating dungisan at sirain ang mga magandang nasimulan.

“Ito kasi ay hindi lang basta basta libangan, kadalasan andito tayo para sa layuning mabalanse at malibang sa kanya kanya nating buhay. Ito ay isang positibong gawain na dapat nating mahalin,” aniya pa.

Sa huli, narito ang iniwang message ni Rendon para sa binabatikos na motovlogger, “Yanna, andito lang ako kung kailangan mo ng totoong payo. Yung mga kaibigan mong influencer at vlogger na ginagatungan ka pa at tinotolerate ka pa ay hindi mo totoong kaibigan yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Imbes na pag sabihan ka na mali ka, parang pinapalakas pa ang loob mo. Mag bago ka na habang hindi pa huli ang lahat. Andito lang kuya Rendon mo sasampalin kita ng katotohanan,” saad pa ni Rendon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »