John Arcilla pumalag sa mga bumabatikos sa iboboto niyang senador
Eleksyon 2025 - Bandera May 08, 2025 - 08:28 PM
PINALAGAN ng award-winning actor na si John Arcilla ang mga taong lumukuwestiyon sa mga kandidatong iniendorso at iboboto niya sa paparating na eleksyon.
Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkoles, May 7, sinabi niyang karamihan sa mga nag-eendorso ng tamang kandidato ay hindi habol ang pera.
“Ang hindi natin pinapansin, yung KARANIWANG NAG-EENDORSO NG TAMA AY MAAYOS ANG BUHAY at NAGBABAYAD NG MATATAAS NA BUWIS, kaya alam nila kung sino ang MAGPAPALUWAG NG ating BUHAY,” pagbabahagi ni John.
Dagdag pa niya, “Hindi nila ito ginagawa para sa SARILI NILA KUNDI PARA SA MGA MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN dahil ayaw nila na ang kanilang TAX ay NAPUPUNTA SA BULSA NG MGA PAYASO, TRAPO, BALIMBING AT DYNASTY.”
Baka Bet Mo: John Arcilla napamura sa Fast Talk, Boy nag-sorry; TF kayang isakripisyo
View this post on Instagram
Ani John, kung patuloy ang pagmamatigas ng iba sa pagpili sa maling kandidato ay walang magbabago sa buhay ng bawat Pilipino.
“Kaya kung MAGMAMATIGAS tayo sa mga CHOICES NATIN at ang mga PINAGPIPILITAN NATIN AY PAYASO, TRAPO, BALIMBING AT DYNASTY, mabubuhay talaga tayo na WALANG MAGBABAGO, samantalang yung mga BINOTO NATIN AY NAMAMAYAGPAG SA LUHO ANG BUHAY gamit ang pondo ng Bayan na dapat ay para sa atin.
“‘Yung mismong mga NAG EENDORSO NG TAMA na INAAWAY NATIN AT INIINSULTO ay HABANGBUHAY din na maayos ang buhay. PERO ang BUHAY nating MAMAMAYAN sa Bansang ito ay wala ngang MAGBABAGO. Sino ang LUGI?” sabi pa ni John.
Ilan sa mga iniendorsong senatorial aspirant ng batikang aktor ay sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Heidi Mendoza, at Luke Espiritu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.