PAGASA: 10 to 18 na bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa

PAGASA: 10 to 18 na bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa this year

Pauline del Rosario - July 06, 2025 - 06:39 AM
PAGASA: 10 to 18 na bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa this year

CURIOUS ba kayo kung ilang bagyo pa ang tatama sa ating bansa ngayong 2025?

Sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), aabot pa sa 10 hanggang 18 na bagyo ang inaasahang papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon.

Sa isang media forum, iniulat ng INQUIRER na ang kabuuang dadaan sa Pilipinas ngayong taon ay 11 hanggang 19 tropical cyclones.

“We’ve had two, so we’re still expecting about 10 to 18 more tropical cyclones before 2025 ends,” sey ni PAGASA Deputy Administrator Mar Villafuerte.

Baka Bet Mo: PAGASA idineklara na ang pagsisimula ng tag-ulan

Paliwanag niya pa, sa buwan ng Hulyo ay posible pang magkaroon ng isa hanggang dalawang bagyo na papasok o mabubuo sa PAR, bukod pa sa Tropical Storm Bising na kasalukuyang binabantayan ng nasabing ahensya.

Nabuo bilang isang bagyo si Bising nitong madaling-araw ng Biyernes, July 4, at agad ding lumabas ng ating bansa sa hapon ng parehong araw. 

Bagamat wala na sa loob ng bansa, sinabi ni Villafuerte na palalakasin pa rin ni Bising ang southwest monsoon o habagat na siyang dahilan ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa, partikular sa Northern Luzon at ilang bahagi ng Visayas.

Pangalawa si Bising sa mga tropical cyclone sa bansa ngayong taon, kasunod ng Tropical Depression Auring na naging bagyo noong Hunyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »