Mark Villar ibinandera na ng Top 10 Priority Bills

Villar naghain na ng Top 10 Priority Bills, focus sa proteksyon ng mamimili, digital economy, kapakanan ng publiko

Jan Escosio - July 09, 2025 - 05:23 PM

SA pagbubukas ng ika-20 Kongreso, agad na naghain si Senador Mark Villar ng kanyang sampung pangunahing panukalang batas.

Iyo’y bilang pagpapatuloy ng kanyang adbokasiya para sa iba’t ibang sektor na layong tugunan ang mga isyung may kinalaman sa digital innovation, kaligtasan ng publiko, at kapakanan ng mamamayan.

“Sa susunod na Kongreso, siniguro po natin na ang mga ipinasa nating priority bills ay sasagot sa iba’t ibang problema ng bansa,” sey ni Villar.

Tatlo sa mga panukalang batas ang nakatuon sa pagpapalakas ng proteksyon sa mamimili at digital infrastructure ng bansa.

Baka Bet Mo: Mark Villar isinusulong ang PH Scam Prevention Center vs. lumalalang online scam

Ang Scam Prevention Center Act ay naglalayong itatag ang Philippine Scam Prevention Center (PSPC) na magiging sentro ng koordinasyon sa pagitan ng mga bangko, pribadong sektor, at mga awtoridad para sa mabilis na aksyon laban sa mga panlilinlang.

Samantala, ang Enhanced Protection for Consumer Act ay nagmumungkahi ng mas mahigpit na parusa, mas malinaw na mga karapatan ng mamimili, at mga panuntunan kontra sa ilegal na investment schemes.

Itinatakda naman ng Use of Digital Payments Act ang paggamit ng ligtas at efficient digital payments sa mga transaksyon sa gobyerno.

Sa larangan ng kaligtasan ng publiko, inihain ni Villar ang Abducted or Missing Persons Alert (AMPA) Act, na hango sa Amber Alert system ng Estados Unidos, at ang Road Safety and Comprehensive Drivers Education Act, na layong isama ang edukasyon sa ligtas na pagmamaneho sa K-12 curriculum.

Bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng karaniwang Pilipino, naghain din si Villar ng Magna Carta of Commuters upang mapabuti ang pampublikong transportasyon, at ang Universal Social Pension for Senior Citizens, na magbibigay ng pantay-pantay na buwanang pensyon sa lahat ng nakatatanda.

Isinusulong din niya ang Educational Assistance Act for Children of Farmers and Fisherfolk para matiyak ang libreng gamit sa eskwela, tirahan, pamasahe, at iba pang pangangailangan ng mga anak ng magsasaka at mangingisda.

Hindi rin nalimutan ni Villar ang kalusugan at lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Free Annual Medical Check-Up Act of 2025, magkakaroon ng libreng taunang health check-up ang lahat ng Pilipino mula sa PhilHealth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa wakas, ang Adjusted Benefits for Barangay Officials Act ay naglalayong taasan ang benepisyo ng mga opisyal ng barangay upang mapabuti ang serbisyo at mapigilan ang katiwalian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »