Torre inutusang magpapayat matabang pulis; galingan pa pagputok

PNP Chief Torre inutusang magpapayat matatabang pulis; galingan pa pagputok

Ervin Santiago - June 11, 2025 - 01:29 PM

PNP Chief Torre inutusang magpapayat matatabang pulis; galingan pa pagputok

Nicolas Torre III

NAGLABAS ng mahigpit na direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III para sa lahat ng kapulisan sa buong bansa.

Nais ni Torre na mas ma-improve ang pisikal na itsura ng mga operatiba ng PNP pati na ang shooting skills ng mga ito para sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Sa naganap na press briefing ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo nitong nagdaang Martes, June 10, ibinahagi niya ang kagustuhan ni Torre na mga pagbabago sa mga pulis.

“Ayaw niya ng nakakakita na ang taba-taba kasi, kung ang role nga naman ng mga pulis ay tumakbo, paano ka nga naman makakatakbo kung halos hindi mo na mabitbit yung sarili mo?” pahayag ni Fajardo.

Dagdag pa niya, “Yung mere appearance mo na medyo malaki ka, ‘ika nga ay halos pumuputok na yung iyong uniporme, yung physical appearance would somehow make an impression anong klaseng pulis tayo mayroon?”

Ipinagdiinan din ni Fajardo na malaki ang magiging epekto sa pagpo-promote ng mga pulis sa bansa kung sila ay babagsak sa kanilang physical exam.

“Malinaw naman yan sa ating circular na kapag bumagsak ng dalawa beses sa PFT na magkasunod ay hindi ka pupuwedeng ma-promote,” sabi pa ng opisyal ng PNP.

Bukod sa pagpapapayat o pagbabawas ng timbang, nais din ni Torre na mas pagbutihin pa ng mga kapulisan ang paggamit at pagpapaputok ng baril para sa kani-kanilang operasyon.

“Ang laki-laki ng target paper mo tapos nasa labas lahat ng putok mo, nagmi-miss ka, ay parang hindi naman yata katanggap-tanggap ‘yon bilang pulis po,” pahaya pa ni Fajardo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »