Xian Gaza napaplastikan kay Nadine Lustre: ‘Too good to be true!’
ANG ikaapat na bahagi ng panayam ni Agassi Ching kay Xian Gaza ay may kinalaman sa mga alam niyang lihim tungkol sa personalidad na ayon sa Pambansang Marites ay 10% lang inilalabas niya.
“Yes, binabala ko ang 90% for future purposes,” kaswal na sagot ni Gaza sa tanong ni Agassi kung may mga alam siyang sikreto na hindi alam ng ibang influencers.
“So, nakabaon?” balik -tanong ni Agassi Ching kay Xian.
“Oo, nakabaon. Kaya tingnan mo pag may pumuputok na isyu sa akin ni isang celebrity o influencers walang nakikisawsaw,” sagot ng lalaking marites.
Baka Bet Mo: Xian Gaza: Itataya ko mga mahal ko sa buhay kung talagang sinungaling ako
View this post on Instagram
“Kasi mayroon ka ring bala sa kanila, okay,” saad ni Agassi.
“Ano ang pinakamasakit na salitang natanggap ni Xian mula sa influencer o celebrity,” tanong ni Agassi.
Matagal bago nakasagot si Xian, “to be honest wala akong matandaan o enough na word na tumatak sa akin (backlast), most of the time nagpapasalamat pa sila at natatawa.
“Bro bago kami magkakilala at somehow tropa ni Ivana, sangkatambak na bash sa akin niyan for 5 years, (ngayon okay na ask ni Agassi), oo natatawa lang daw siya (Ivana). Napapansin niya na kapag bumabanat ako ay walang below the belt, for fun lang daw.
“So, wala akong natatanggap o tumatak sa akin, best example ilong ni Alex Gonzaga, binash ko brad ‘yung ilong, tumawa lang kasi tama naman daw.
“Eto pa malupit nagpunta dito ‘yung asawa niya (Vice Mayor Mikee Morada) kinamayan ako nagkuwentuhan pa kami after ko ilabas ‘yung ilong. Kaya wala talaga akong matandaang tumatak na sinabi sa akin ng celebrity o influencer. Kung meron man baka hindi na pinarating sa akin,” pahayag ni Xian.
“Oo, baka kuwentuhan lang yun,” say ni Agassi.
Ang mga pet peeve ni Xian Gaza pagdating sa mga influencers at buong tapang niyang sinabing ayaw niya sa mga plastic na tao.
“’Yung mga plastic na tao na kapag nakaharap sa kamera akala mo mga sobrang anghel na walang bahid ng kasalanan kagaya ni Maria, o Virgin Mary na walang bahit ng kasalanan. Ganu’n ‘yung image nila, eh. Tapos in real life, napakasamang tao pala, napakayabang, napaka-matapobre ang baba ng tingin sa mga staff niya!” paglalarawan ni Xian.
Nagulat si Agassi, “uy, specific yun, ah?”
Kambyo ni Xian, “hindi wala tsismis ‘yan Brad, mali ‘yan baka may masagasaan tayo. Ako kasi brad hindi ako pakitang tao, pakitang demonyo ako, gusto ko pag nakikita ako sa social media masama ako, ako ‘yung bully. Gustung-gusto ko ‘yun trip ko ‘yun.”
Ginutom yata si Agassi sa mga pasabog ni Xian simula ng interview nila kaya napakain siya ng tinapay at sabay tanong na hindi pa nababawasan ni Gaza ang mga exotic foods.
“Sasagutin ko na lang lahat ng tanong mo kaysa kainin ko ‘yang mga lintik na pinagbibili mo,” seryosong sabi ng tsismosong vlogger.
At dahil nagsalita na si Xian na may mga plastic na influencers o celebrity kaya tinanong na siya ni Agassi kung sino ang mga hindi nagpapaka-totoo sa harap ng kamera base sa opinyon niya kaya walang mali o tamas a mga isasagot nito.
“Teka nag-iisip pa ako baka meron pang mas more, sin oba ‘yung sobrang plastic na kapag nakikita ko parang nandidiri ako, merong ganu’n, eh. ‘Yung pag lumabas sa feed kom ayaw ko na, scroll ko na, ano bang pautot ‘to?” sambit ni Gaza.
Tuwang-tuwa naman si Agassi Ching dahil magandang content nga naman si Gaza for him at first time na magsasabi ito ng mga personalidad na sa tingin niya ay pakitang tao sa harap ng kamera.
“Napepekean ako kay Nadine (Lustre)!” kaswal na sabi ni Xian.
“Weh? Bakit?” nagulat na reaksyon ni Agassi.
“Too good to be true! ‘Yung mga adbokasiyang too good to be true! Unlike si Kathryn (Bernardo) wala naman siyang mga adbokasiyang na laging may isyu pero lagi siyang nandiyan. Isa pa si Daniel Padilla, puro pakitang tao na hindi mo maintindihan,”diretsong sabi ni Xian.
“Ako hindi ko alam hindi ko pa sila nami-meet sa personal,” katwiran ni Agassi.
“Bro hindi ko rin sila nami-meet pa ng personal. Sa rami ng mga intel na pumapasok sa akin na tsismis, bro, alam ko, eh. Alam ko kung ano sila sa (harap) kamera sa rami ng nakakarating sa akin na intel na tsismis, same with Nadines,” katwiran ng lalaking Marites.
Sabi na lang ni Agassi, “guys sinagot niya! Ang bigat! Siguro itong si Xian halos lahat ng baho ng mga impormasyon nandito sa utak niya. Sa tingin mo ba hindi lang basta sa power mo ginagawa itong pambansang marites mo kundi also for money?”
“Siyempre bro part ‘yun, ang naging motivation ko power tapos along the way nakita ko nagpo-flow pala ‘yung money, e, di kinarir ko nalang,” pag-amin ni Gaza.
Sino naman sa mga influencers o artista ang nilo-look up ni Xian.
“Si Xian Gaza madalas naglalabas ng tsismis pero never ko pang narinig nae to ‘yung nilo-look up ko ito ‘yung wala siyang masabi (kapintasan) sa artistang ito, okay ‘to,” paliwanag ni Agassi.
Sabay itinapat kay Xian ang plato ng exotic food.
“Puta mapapasagot ako nakita ko ‘yung gagamba, eh,” tumawang sabi nito na ikinatawa rin ng interviewer.
Binanggit ni Xian ang pangalan ni Erich Gonzales na hindi naman nagpo-post at ang katwiran niya.
“Kinaya niyang manahimik mula sa showbiz tapos nagpakasal sa pamilya ng bilyonaryo, nag-anak, nagpamilya, tapos nawala talaga sa social media.
“Iyon ang isang luxury na hindi ko kaya, eh. Di ba sabi nga nila, ‘is human nature na bibilib ka or look up sa isang tao na nagagawa niya ang isang bagay na hind imo kayang gawin.
“Parang ganito, bakit ba baliw na baliw ang mga tao sa bilyonaryo? E, kasi hindi nila kayang magkaroon ng bilyon, eh. Sino ba ‘yung mga taong baliw sa bilyonaryo? ‘Yung mga taong hopeless sa sarili nila na alam nila at tanggap nila sa sarili nil ana hindi ako magiging bilyonaryo one day.
“Kaya bilib ako kay Erich kasi hindi ko kaya ‘yung nasa peak ka ng career mot apos bigla kang nawala. Hindi ito usapin ng mental health na na-depress ka lang kaya kailangan mong magpahinga, hindi ganu’n, eh.
“Talagang literal ang pagkawala niya at pinanindigan niya at namumuhay siya ng tahimik, bro salute ako sa ganu’n,”paliwanag ni Xian tungkol sa kasalukuyang estado ngayon ng aktres na si Erich Gonzales.
Dagdag pa, “salute ako kay Erich, dati siguro ginamit ko siya for publicity kaya ko siya pina-billboard (coffee date) nu’ng 2017 tapos after nu’ng lumagay siya sa tahimik at nagpakasal siya sa bilyonaryo at wala siyang social media na talagang nawala siya sa industriyam doon ko nakita na at the end of the day hindi talaga worth it ang fame. At the end of the day, money is over fame pa rin. Nu’ng nagkaroon na siya ng maayos at stable na buhay sa mga pamilya ng bilyonaryo hindi na niya kailangan ng kasikatan pa, hunger for fame, hunger for attention, hunger for spotlight, hind imo na kailangan kapag bilyones na ang inaapakan mo.”
Inamin pa ni Xian Gaza na kapag nagkaroon siya ng bilyones ay hindi na siya magiging aktibo sa social media, “aanhin ko pa, kaya ko lang ginagawa kasi dito ako kumikita, ito ang career ko, eh. Kaya nga ako naging pambansang marites kasi gusto ko ‘yung power para hindi na ako siraan ulit.”
At kaya maraming intel si Xian Gaza ay dahil pinagkakatiwalaan siya ng mga ito at naniniwala na hindi sila ilalaglag anuman ang mangyari at magsisilbing proteksyon pa ang lalaking marites kapag nagkaroon ng problema
Para kay Agassi ay gusto naman niya ng fame, power, money.
“Pero hindi ko naman gagawin ‘yung power in a toxic way. Gagawin ko para sa family ko, sa sarili ko at sa audiences ko. Kahit may one billion ako I want to keep the fame kasi what I longing for it ever since bata pa ako,” katwiran nis ikat na influencer na may 5.81 million subscribers sa YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.