Austin Butler panay takas sa ‘Caught Stealing’, katambal si Zoë Kravitz

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures
PARANG roller coaster ride na may halong tawa at aksyon ang upcoming film na “Caught Stealing.”
Ang American actor at singer na si Austin Butler ang bibida bilang si Hank Thompson, isang dating baseball star na ngayon ay bartender na lang sa isang maliit na bar sa New York.
Ang life niya ay medyo okay naman –may girlfriend na bongga (Zoë Kravitz), at siyempre, solid ang suporta niya sa underdog baseball team na pinapanood niya.
Ngunit tila biglang nagulo ang kanyang buhay mula nang binantayan niya ang alagang pusa ng kapitbahay niyang punk-rock na si Russ (Matt Smith).
Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikula sa Mayo na may sari-saring kwento at aksyon
Bigla kasing sumulpot ang mga nakakatakot na gangsters na gusto siyang habulin at hindi niya alam kung bakit!
Kaya heto na si Hank, todo takas at iwas sa mga taong gustong saktan siya.
Ang “Caught Stealing” ay ginawa ni Darren Aronofsky na kilala bilang Academy Award nominee, at ang istorya ay base sa libro ni Charlie Huston.
Bukod kay Austin at Zoë, tampok din sa pelikula sina Regina King, Liev Schreiber, Vincent D’Onofrio, at ang sikat na rapper na si Bad Bunny!
Ang comedy crime thriller film ay ipapalabas sa mga lokal na sinehan very soon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.