REVIEW: Tom Cruise hanep sa deadly stunts sa latest film ng ‘Mission: Impossible”

PHOTO: Courtesy of Paramount Pictures
GINULAT nanaman tayo ni Tom Cruise sa pinakabagong installment ng “Mission: Impossible”!
Kung ito man talaga ang huling misyon niya bilang Ethan Hunt, masasabi naming naging all out siya lalo na sa nakakamatay niyang action stunts.
Sa “The Final Reckoning,” muling ipinakita ni Tom kung bakit siya itinuturing na hari ng practical stunts.
Pero sa pagkakataong ito, tila lahat ng naipon niyang tapang, determinasyon, at pangarap sa loob ng tatlong dekada ay binuhos na niya nang buo.
Baka Bet Mo: Alden Richards nakasama si Tom Cruise sa Korea: ‘Mission accomplished!’
Kagaya na lamang sa naging eksena niya, habang lumilipad ang biplane sa South Africa.
Ayon mismo sa direktor na si Christopher McQuarrie, halos mamatay umano si Tom matapos mapansin ng film crew na tila nawalan siya ng malay, habang nasa pakpak ng eroplano.
“No one on earth can do that but Tom Cruise,” sey ng direktor na nakasama na ng aktor sa huling apat na pelikula ng franchise.
At hindi lang ‘yan! Isa sa mga pinakanakakakilabot na eksena ay ang pagtalon ni Ethan Hunt sa loob ng isang lumubog na Russian nuclear submarine sa Bering Sea.
Hindi ito CGI dahil ginawa ito gamit ang isang 1,000-ton, 360-degree rotating steel gimbal na lumulubog sa 8.5-million-liter tanker.
At si Tom? Tunay na nandoon sa loob!
Bukod sa delikadong stunts, may mga tribute sa mga dating karakter, misyon, at pagkakaibigan na binuo sa buong franchise.
Tampok sa “The Final Reckoning” ang powerhouse cast na sina Hayley Atwell, Ving Rhames, Simon Pegg, Esai Morales, Pom Klementieff, Henry Czerny, at marami pang iba.
Ang pelikula ay showing na sa mga sinehan sa buong mundo at ayon sa mga unang review, ito na raw ang “best action movie of the summer.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.