REVIEW: ‘The Accountant 2’ solid ang aksyon, palaban ang brother tandem

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures
KUNG hanap mo ay pelikulang puno ng aksyon at misteryo, siguradong swak ang “The Accountant 2” na showing na sa mga lokal na sinehan.
Sa direksyon ni Gavin O’Connor, muling ginampanan ni Ben Affleck ang karakter ni Christian Wolff, isang henyo na accountant na may hindi matatawarang galing din sa labanan.
Sa ikalawang installment ng pelikula, hindi na nag-iisa si Christian dahil kasama na niya ang kapatid na si Brax, na ginagampanan ng mahusay na si Jon Bernthal.
Ang kwento ay umiikot sa imbestigasyon ng isang misteryosong pagpatay na nag-iwan ng mahiwagang mensaheng “Find the accountant.”
Baka Bet Mo: Cate Blanchett, Michael Fassbender masusubukan ang loyalty sa ‘Black Bag’
Sa kanilang paghahanap ng katotohanan, madidiskubre nila ang isang mapanganib na sabwatan at sila mismo ang magiging target ng mga nasa likod nito.
Kasama rin nila sa kanilang misyon si Marybeth Medina (Cynthia Addai-Robinson) mula sa U.S. Treasury.
Napanood na ng BANDERA ang bagong action film at masasabi naming sulit ang bawat eksena!
Like na like namin ang pelikula hindi lang dahil sa maaaksyong eksena, kundi dahil na rin sa maangas na chemistry nina Ben at Jon.
Ang galing ng tandem ng dalawa na hindi lang puno ng aksyon, may saktong comedy rin.
Bukod kay Affleck, Bernthal, at Cynthia, tampok din sa cast sina Daniella Pineda, Allison Robertson, at ang batikang aktor na si J.K. Simmons.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.