Kris Aquino nakatira sa beach, pumalag sa chikang patay na
AYAW talagang tantanan ng mga nagpapakalat ng fake news ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Muli na naman kasi itong iniintrigang sumuko na at tuluyang pumanaw dahil sa iniinda nitong sakit.
To the rescue naman ang kaibigan ni Kris na si Dindo Balares para pabulaanan ang mga kumakalat na isyu.
Sa kanyang Instagram post noong Huwebes, May 29, ibinandera niya ang larawan ng TV host-actress kalakip ang pahayag na alive na alive ang kaibigan.
Baka Bet Mo: Kris Aquino na-confine sa ospital: Ang pakiramdam parang nasusunog na
View this post on Instagram
“SA BEACH po nakatira si Kris Aquino. ‘Yan ang latest update para sa mga nagmamahal, nag-aalala, at patuloy na nagdarasal para sa kanyang kalusugan,” panimula ni Dindo.
Aniya, marami ang nag-aalala ngayon sa lagay ng Queen of All Media dahil nagsimula na naman ang pagpapakalat ng maling impormasyon na pumanaw na ito.
May kumontak pa nga sa kanyang kaibigan mula sa international news kung totoo nga ba ang mga nababasa sa social media.
“‘Nakita ko lang sa Facebook. Sabi ni Kris Aquino ‘kritikal na po ako’. ‘Tapos may nagpost: ‘she stopped fighting’. In coma ba siya?’” pag-quote ni Dindo sa sinabi sa kanya ng kaibigan.
Kung ang kaibigan raw mula sa media ay naniwala, paano pa raw ang mga netizens.
“Mas pinipili muna sana ni Kris na manahimik, pero may mga nagsasamantala namang gumawa ng fake news tuwing walang anumang balita tungkol sa kanya. Kailangang mag-post ng totoo.
“Katotohanan lang ang panlaban sa fake news at kasinungalingan. Nakatira at matagal mananatili sa naturang private beach si Kris,” lahad ni Dindo.
Chika ng Queen of All Media kay Dindo, mananatili siya sa tinitirhang beach hanggang sa tolerance trial niya.
“‘Kuya Dindo, I am breathing and sleeping well. My BP is behaving,’ message naman niya ito kagabi,” sey pa ni Kris.
Nagpasalamat naman si Dindo sa mga patuloy na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanyang kaibigan.
“Muli’t muli, maraming-maraming salamat po sa patuloy na malasakit at pagmamahal kay Krisy,” sey nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.