Marian nakasagupa noon ang dating kaklase: Binuhusan ng softdrinks, sinabunutan pa

Marian Rivera, Ivy Manzon-Bo
ISANG throwback chika ang sumabog online patungkol sa nakaraan ni Marian Rivera at dating kaklase na si Ivy Manzon-Bo.
Naging usap-usapan ang pasabog na throwback chika ni Ivy na inalala ang matinding teenage catfight nila ng Kapuso Primetime Queen.
Mala-teleserye ang ibinunyag ng dating kaklase ng aktres sa Facebook na ayon sa kanya ay binuhusan siya ng softdrinks at hinila pa ang buhok.
Kwento ni Ivy, high school pa sila noon ni Marian nang magkainitan sila dahil umano sa selos na sinimulan ng isa pa nilang kaklase.
Resulta? Isang linggo silang na-suspend sa kanilang eskwelahan.
Baka Bet Mo: Marian trending dahil sa cryptic post, may pinapatamaan? ’Don’t f***k with me!’
Bagamat tila burado na ang nasabing post, marahil dahil sa dami ng bashers na sumugod sa comments section, umabot na ang balitang ito sa iba’t ibang news outlets at fans.
Kwento ni Ivy, naalala niya lang ito nang mapanood ang interview ni Marian with Karen Davila noong Marso kung saan sinabi ng celebrity mom na pinatawad na niya ang mga babaeng nagkaroon siya ng “misunderstanding” noon.
Klaro naman daw kay Ivy na hindi siya ang tinutukoy ni Marian, dahil ayon sa actress, mga babaeng may konek kay Dingdong Dantes ang pinatawad niya.
Pero wait, may part two ang chika!
Sa kolehiyo, muli raw silang nagkaroon ng alitan dahil sa isang “so-called friend” ni Marian na nagsabing tinawag ni Ivy na “stupid” ang aktres.
Aba nagka-round 2 pa pala ang kanilang awayan pero gaya nu’ng una, nagkaayos din sila in the end.
Sabi pa ni Ivy, nagkita pa nga raw sila ulit noong “Marimar” days ni Marian at nagbatian pa.
“People change. Everyone changes as they age,” sambit niya sa FB.
Nilinaw rin ni Ivy na wala siyang intensyong siraan ang aktres: “I don’t think it would affect what Marian is now. Marian is Marian!”
At syempre, para sa mga nagsasabing pa-epal lang si ate Ivy, may sagot siya: “I shared my story because it is mine to tell and I have all the right to speak my mind! It may be cringe but it is real and none of it were made up.”
As of this writing, tikom pa ang bibig ni Marian tungkol sa isyu at bukas naman ang BANDERA sa kanyang reaksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.