Nora Aunor through the years: Iconic roles na kanyang ginampanan

Nora Aunor through the years: Iconic roles na kanyang ginampanan

Therese Arceo - May 21, 2025 - 02:42 PM

Nora Aunor through the years: Iconic roles na kanyang ginampanan

Nora Aunor

HINDI sukatan ang pagkamatay ng isang tao para siya’y makalimutan — lalo na ng mga taong totoong sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

Ilang linggo matapos ang kanyang pagkamatay, ngayong araw ay ipinagdiriwang ang kaarawan ng batikang aktres na si Nora Aunor, ang tinaguriang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts ng bansa.

Halina’t balikan ang mga pelikula at ang mga karakter na ginampanan ng yumaong si Nora Aunor, na patunay lamang ng kanyang husay at galing na patuloy na kikilalanin at mabubuhay hanggang sa susunod pang henerasyon.

 

Corazon dela Cruz
Minsa’y Isang Gamu-gamo (1976)

Sa pelikulang “Minsa’y Isang Gamu-Gamo”, gumanap si Nora bilang isang si Corazon, isang nurse na naghahandang mag-migrate sa Amerika para sa mas magandang buhay. Ngunit nagbago ang plano nila ng kanyang kasintahan matapos mabaril ang kanyang nakababatang kapatid ng isang American serviceman dahil napagkamalan niya itong wild boar.

Sa pelikulang ito nagmula ang famous line niya “My brother is not a pig. Ang kapatid ko’y tao, hindi baboy damo!” na sinambit niya matapos siyang suhulan ng limpak limpak na salapi ng abogado habang ipinaglalaban nila ang hustisya para sa kapatid.

 

Rosario

Tatlong Taong Walang Diyos (1976)

Sa pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos”, gumanap si Nora bilang Rosario, isang guro sa Majayjay, Laguna na pinagsamantalahan at nabuntis ng isang Japanese-Filipino officer na si Masugi (Christopher de Leon) habang ang kanyang fiancé na si Crispin (Bembol Roco) ay namaalam para sumali sa mga guerilla.

Umani ng samu’t saring parangal si Ate Guy sa naturang pelikula kung saan tinanghal siya bilang FAMAS at Gawad Urian Best Actress noong 1977.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Lupita Aquino-Kashiwahara.

 

Bona

Bona (1980)

Sa pelikulang “Bona”, ginampanan ni Nora ang karakter ni Bona, isang schoolgirl na naging obsessed kay Gardo (Philip Salvador), isang extra sa mga pelikula. Dahil sa kanyang pagkahibang kay Gardo ay nag-drop siya sa pag-aaral at nagdesisyong tumira kasama si Gardo. Ibinibigay niya ang lahat rito pati na rin ang sarili kahit na hindi maganda ang pagtrato sa kanya.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Lino Brocka na naging entry para sa 1980 Metro Manila Film Festival at ipinalabas sa Director’s Fortnight ng 1981 Cannes International Film Festival.

Sa pelikulang ito rin nakamit ni Nora angvoanyant ikalawang Gawad Urian Best Actress award.

Noong 2024, ipinalabas ang digitally restored version ng “Bona” sa Cannes Classics section ng 2024 Cannes International Film Festival at ipinalabas rin sa bilang closing film ng 2024 Cinemalaya Film Festival.

Baka Bet Mo: Nora Aunor bibigyang-pugay sa ika-72 kaarawan, tinapay ipinangalan sa kanya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Sylvia Salazar

T-Bird At Ako (1982)

Sa pelikulang “T-Bird at Ako” ginampanan ni Nora ang karakter ni Sylvia Salazar, isang mahusay na abogado na hindi pa rin satisfied sa kanyang mga narating sa buhay.

Sa kabila ng magiliw na pagsuyo sa kanya ng kasamahang si Jake (Tommy Abuel), hindi pa rin niya magawang mag-commit at ibigay ang hinihiling nitong kasal.

Isang araw ay nagpunta ito sa isang club kung saan nagpe-perform si Sabel (Vilma Santos) ay na-realize niyang nagkagusto siya rito.

Si Sabel ay isang struggling burgis na nakapatay ng anak ng mayamang tycoon matapos ipagtanggol ang sarili dahil sa pangha-harass at tangkang panghahalay sa kanya. Nagdesisyon si Sylvia na tulungan siya at nagsama sila sa iisang bubong habang ongoing ang kaso at doon mas lumalim ang pagmamahal niya kay Sabel.

Ito ang isa sa mga pelikulang nag-portray ng LGBT theme sa Philippine cinema sa kabila ng pagkakaroon ng audience na mga konserbatibo at hindi pa ganoon kabukasxang pagtanggap sa same-sex relationships.

Ang salitang “T-Bird” ay isang salitang kolokyal na nangangahulugang “butch lesbian” o “tomboy”.

 

Elsa

Himala (1982)

Sa pelikulang “Himala”, ginampanan ni Nora ang karakter ni Elsa, isang dalagang “faith healer” nagsasabing nasaksihan niya ang aparisyon ni Virgin Mary sa parehas na burol kung saan siya inabandona noong sanggol pa lamang. Ngunit nagbago ang lahat matapos ang panghahalay sa kanila sa naturang burol at ang pagsisi niya sa sarili sa mga pangyayari.

Dito rin nagmula ang kanyang famous line na “Walang himala! Ang himala ay nasa puso nating lahat.”

Ang “Himala” ay isa sa mga itinuturing na “greatest Filipino film of all time”. Tumabo ito ng napakaraming parangal at pagkilala local at international.

Nagwagi si Nora bilang Best Actress at ang pelikula bilang Best Picture noong 1982 Metro Manila Film Festival. Ito rin ang unang pelikulang nakasali sa Competition section ng Berlin International Film Festival. Noong November 2008 nagwagi ito Viewer’s Choice Award for the Best Film of All Time from the Asia-Pacific Region sa 2008 CNN Asia Pacific Screen Awards.

 

Angela Aguilar

Bulaklak sa City Jail (1984)

Ginampaman ni Nora ang karakter ni Angela Aguilar, isang nightclub singer na nakulong sa kasong frustrated murder sa women’s ward ng Manila City Jail. Doon ay naging malapit siya sa kapwa inmates na sina Juliet, Lena, Viring, at Barbie na may mga malagim na nakaraan.

Isang gabi ay nasaksihan nila ang riot sa men’s ward dahilan para kunin sa kanila ang anak ni Viring na si Sarah. Kinabukasan ay pinilit siya ng abogado na aminin ang krimen para matapos na ang kaso ngunit tumanggi siya dahilan para magtuloy pa ang paglilitis.

Ito ay isa ring entry sa 1984 Metro Manila Film Festival kung saan muling nakasungkit si Nora ng Best Actress award habang wagi ang pelikula ng Best Picture at Best Director.

Sa panulat ni Lualhati Bautista, sinasalamin ng pelikula ang injustice at ang matibay na samahan ng mga kababaihan sa loob ng piitan.

 

Lorna

Tinik Sa Dibdib (1985)

Ginampanan ni Nora Aunor ang karakter ni Lorna, na nakapangasawa sa murang edad. Pinakasalan niya si Lando (Philip Salvador) na kalauna’y napag-alaman niyang may relasyon kay Trixia na kanyang tiyahin. Natuklasan rin niya na di Lando ang ama ni Boyito, ang bunsong anak ni Trixia.

 

Magnolia dela Cruz

Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989)

Ginampanan ni Nora ang karakter ni Magnolia dela Cruz, isang anak ng mahirap na magsasaka na naglalayong mabawi ang lupa ng kanyang ama laban sa pamilya ng kanyang childhood lover na si Anselmo Santos (Tirso Cruz III) at pahirapan ang mga ito.

Muli ay nagwagi si Nora ng FAMAS Best Actress award sa kanyang natatanging pagganap sa pelikula. Wagi rin ang kanyang katambal na si Tirso Cruz III bilang Best Actor habang Best Picture rin ang pelikula at Best Director naman si Elwood Perez.

Tinanghal rin siya bilang Best Actress sa Gawad Urian at Film Academy of the Philippines Awards noong 1990.

 

Flor Contemplacion

The Flor Contemplacion Story (1995)

Sino nga ba ang makalilimot sa istorya ni Flor Contemplacion, isang Pinoy domestic helper na nagtrabaho sa Singapore sa pag-aakalang ito ang magiging susi para makalaya sa kahirapan?

Gumanap si Nora bilang si Flor na biglang nagbago ang takbo ng buhay matapos maakusahang pumatay sa kanyang kaibigang si Delia Maga pati ang alaga nito. Matapos ang paglilitis ay hinatulan ng death by hanging.

Pumukaw ng pansin ito mula sa mga Pilipino na nagduda sa naging desisyon ng korte ng ibang bansa kaya namang umapela ng clemancy ang gobyerno ng Pilipinas ngunit sa kasamaang palad ay hindi pumayag ang Singaporean authorities at pinatay si Flor noong March 1995.

Hanggang ngayon ay tumatatak pa rin ang pagganap ni Nora at ang kwento ni Flor bilang isa sa mga kaso at patunay ng problemadong sistema kung saan dehado ang mga mahihirap.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Shaleha

Thy Womb (2012)

Ginampanan ni Nora ang karakter ng isang Tausug midwife na nagngangalang Shaleha na siyang nagpapaanak sa mga kababaihan ngunit siya mismo ay hindi magkaroon ng anak. Kalaunan ay nagdesisyon siyang ipagkasundo ang asawang si Bangas-An sa dalagang si Lira upang mabigyan ito ng anak.

Tinatalakay ng pelikula ang pangungulila, pagsasakripisyo, at ang pinagdaraanan ng mga kababaihan sa isang remote Muslim community sa Tawi-Tawi.

Ipinalabas ang Thy Womb sa direksyon ni Brillante Mendoza sa Venice International Film Festival kung saan tumanggap si Nora Aunor ng Bisato d’Oro for Best Actress.

Tinanghal rin ito ng Encyclopædia Britannica bilang “principal trophy” of the year ng Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »