Freddie 'dinalaw' si Jovi: 'Niyakap niya ako...saka tinalikuran'

Ka Freddie ‘dinalaw’ si Jovie Albao: ‘Niyakap niya ako…saka tinalikuran’

Ervin Santiago - June 12, 2025 - 10:48 AM

Ka Freddie 'dinalaw' si Jovie Albao: 'Niyakap niya ako...saka tinalikuran'

Jovie Albao at Freddie Aguilar

SA wakas, dininig din ang panalangin ni Jovie Albao na dalawin sana siya ng namayapang asawang si Freddie Aguilar kahit sa panaginip lamang.

Talagang mula raw nang mamaalam si Ka Freddie ay araw-araw ma niyang ipinagdarasal na magparamdam sa kanya ang OPM legend.

Ibinahagi ng naulilang asawa ng singer-songwriter sa kanyang Facebook account nang gumising siya isang umaga na may ngiti sa kanyang mga labi.

Kalakip ang kanyang litrato ay ang kuwento ni Jovie tungkol sa unang pagkakataon na napanaginipan niya ang namatay na mister.

“Simula nang iwan tayo ni Freddie. Gabi-gabi akong nagdadasal na sana kahit sa panaginip, ipakita nya sa akin na ok na sya, na hindi sya nahihirapan at masaya na sya kung nasaan man sya.

“Kakagising gising ko lang. Gumising na may ngiti sa mga labi. Ang tagal kong naghihintay, ngayon ko lang sya nakita sa panaginip.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ngayon ko lang muling naalala ang mukha nyang puno ng saya,” simulang pagbabahagi ni Jovie.

Patuloy pa niya, “Parang totoo, parang movie na slow motion, bawat galaw parang ang gaan sa dibdib, walang lungkot, walang luha, wala ring mga salita na lumalabas sa aming bibig tila mga mata namin ang nag uusap na punong puno ng saya at pagmamahalan.

“Niyakap nya ako ng mahigpit saka tinalikuran at naglakad palayo mahabang nakangiting kumakaway. Wala akong sakit na nararamdaman, walang kirot sa dibdib.

“Pag gising ko, may ngiti pa rin sa aking mga labi at magaan pa rin ang loob ko sa mga oras na to. Nabawasan lahat ng kirot na nararamdaman ko. At nakaukit sa isipan ko ang masaya nyang mukha,” lahad pa niya.

“Salamat bhabe, alam kong ok ka na. Ngayon, pipilitin kong ako naman, kami naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Baunin mo palagi sa iyong paglalakbay ang aking pagmamahal at mga dalangin na alay para sayo. Mahal na mahal kita Freddie,” ang mensahe pa ni Jovie sa namayapang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »