John Arcilla galit na galit: Nakakap*t*ng ina…nagtatanga-tangahan!

John Arcilla
BEAST mode at napamura pa ang award-winning actor na si John Arcilla sa ilang indibidwal o pangyayari na nagpakulo ng kanyang dugo.
Sa kanyang Facebook account, mababasa ang patutsada ng veteran actor na pinaniniwalaang may konek sa naging desisyon ng Senate Impeachment Court sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Mababasa sa post ni John, “Dumb Dumber Dumberer Dumberest and Dumberestest.
“Nakakaput*ng ina,” ang napakalutong na mura ni John na isa sa mga nagmarkang dialogue niya sa pelikulang “Heneral Luna.”
Dagdag pa niya, “Ang nakakakilabot merong alam mo na hindi naman talaga TANGA pero nagtatanga-tangahan kasi TANGA at MANGMANG ang tingin nila sa mamamayang Pilipino.”
Naniniwala ang kanyang FB followers na para sa mga senador ang kanyang hugot matapos magdesisyon na ibalik sa House of Representatives ang impeachment laban sa bise presidente.
Narito ang reaksyon ng mga netizen na mababasa sa comments section ng Facebook post ng matapang na aktor.
“Kalma lang general may karma din yang mga Yan.”
View this post on Instagram
“Yes. prinoprotektahan pinaglalaban nila..nga kakampi nila.. loyal sila sa dun..pero sa taong bayan na nagluklok sa kanila at san sila nanumpa ng tungkulin..ay tela balewala na.”
“Agree..at itong mga artista sa senado..sinisira na ang integrity ng senate, pati industriya at matitinong artists ay nababahiran. How proud can they be?”
“Heneral Luna mode activated! KAPANALIG NIYO KAMI, HENERAL!”
“Hindi lang tanga at mangmang ang tingin nila sa mga taong bayan…tingin nila ay bayaran ang mga tao.”
Nauna rito, nag-post din si John ng mahabang aria sa FB na may kinalaman pa rin sa mga nanunungkulan sa gobyerno at sa takbo ng politika sa Pilipinas.
“Ang mga Senador, Kongresista at LAHAT ng OPISYAL mula sa Itaas hanggang sa pinaka mababa ay PINOPONDOHAN ng MILYUN MILYON o BILYON BILYON sa kabuuan, at Sinusweldohan mula sa pera ng bayan galing sa BUWIS ng mamamayan at mga INUTANG ng pamahalaan.
“Interes ba ng Bayan ang pinaglalaban nila? Madami sa aming mga GEN X (at Boomers) ang NAGKAMALI sa mga pinili namin na deka-dekada nang NAKAUPO pati pamilya nila naka-pwesto at yumaman na.
“UMUNLAD NA BA ANG BAYAN NATIN? HINDI PORKE MATATAAS NA ANG BUILDING AT MADAMING PINANATATAYONG INFRASTRUCTURE AY MAUNLAD NA ANG BAYAN. Sino ba ang kumikita diyan? Negosyante at Pulitiko? LIBRENG MATAAS NA KALIDAD NG HOSPITAL para sa LAHAT.
“LIBRENG PAG AARAL NA MAAYOS ANG MGA PASIBILIDAD PARA sa LAHAT. MABABANG PRESYO NG PAMASAHE AT MGA BILIHIN. TRABAHO PARA sa LAHAT at MATAAS NA SWELDO.
“MERON NA BA? TUNGKULING RESOLBAHAN YAN NG LAHAT NG NAKAUPO. Umunlad na ba or UMAYOS MAN LANG ang BUHAY ng PAMILYA ninyo? Ilang dekada na ba silang naka upo, at ilang BATAS NA BA ANG NAGAWA? NA SOLVE BA ANG KAHIRAPAN ng BANSA?
“LALONG LUMULUBOG SA UTANG ANG PILIPINAS PERO SAAN NAPUPUNTA ANG PERA? Hindi na natin kailangan ng REBOLUSYON, civil war o KUDETA (pinagdaanan na natin ang mga ganyan may nabago ba?) REBOLUSYON ng SARILING INTERES ng ISIP, PUSO at KALULUWA ang kailangan natin.
“PANAHON nyo na MGA GEN-Z at MILLENIALS. Sa BAWAT darating na BOTOHAN, I’m sure malinaw na sa inyo ang SOLUSYON. PALITAN NYO NA ANG LAHAT NG isang dekada ng naka upo, PALITAN NYO NA ANG MGA MAGKAKAMAG ANAK NA NAKA PWESTO. Yun ang layunin ng BOTOHAN hindi ba?
“PALITAN NG MGA BAGO AT MAS MAHUSAY ang mga UNANG UMUPO. HINDI PARA PANATILIHIN SILA SA PWESTO. I-akyat sa pwesto ang MAHUSAY at EPEKTIBO, tanggalin ang HINDI. Mag-research ng mga BAGO at TAMANG TAO.
“I’m sure alam ninyo na KAYO, PAMILYA ninyo at ang buong Bansa ANG MAKIKINABANG SA GAGAWIN NINYO. Good luck!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.