Autopsy report ng 2 pumanaw sa NAIA accident inilabas na
LUMABAS na ang resulta ng autopsy report ng dalawang biktima na namatay dahil sa nangyaring aksidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Linggo, May 4, 2025.
Base sa inilabas na pahayag ng Philippine National Police (PNP)-Aviation Security Group (AVSEGROUP) noong Martes, May 6, parehong nagkaroon ng blunt-force trauma sa ulo ang 5 taong gulang na batang babae at 29-anyos na lalaki na siyang dahilan ng kanilang pagkamatay.
“Autopsy results confirmed that the 29-year-old victim died due to blunt force trauma to the head and spinal cord; his remains are currently in Hagonoy, Bulacan for his funeral wake.
Baka Bet Mo: OFW na namatayan ng anak sa NAIA accident hindi na nakaalis ng Pinas
View this post on Instagram
“The minor, who also died of blunt force trauma to the head and left lower extremities, is now in Lipa City, Batangas for her wake,” saad ng PNP-AVSEGROUP.
Matatandaang dalawa ang nasawi matapos araruhin ng isang SUV ang departure area ng NAIA Terminal 1.
Ayon sa pahayag ng driver, nangyari ang insidente dahil sa taranta niya noong pinapaalis siya sa parking nang biglang may sedan na dumaan sa harapan niya at imbes na preno ay silinyador ang kanyang natapakan.
Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in two counts of homicide, multiple physical injuries, at damage to properties.
Siniguro naman ng PNP-AVSEGROUP na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.
“AVSEGROUP assures the public that justice will be pursued with the full extent of the law. We remain steadfast in our commitment to safeguarding lives and maintaining peace and order within airport premises,” pahayag pa ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.