Kitty Duterte sasabak na rin ba sa politika?
Eleksyon 2025 - Bandera May 07, 2025 - 05:26 PM
NAGPAHAYAG ng interes ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte na nais nitong pasukin na rin ang mundo ng politika.
Sa naganap na miting de avance ng senatorial candidate na kabilang sa PDP Laban slate na si Rodante Marcoleta sa Bulacan ay ibinahagi nito ang kagustuhan ng dating pangulo para sa kanyang anak.
Aniya, nais raw ng dating pangulo na sundan ni Kitty ang kanyang yapak.
“Sabi ng anak ko, ayaw niya pumasok sa politika. Sabi ko, ‘Ako rin, ayoko sana.’ Pero sabi ng papa niya, ‘Mag-aral ka. Sumunod ka sa yapak ko,’” saad ni Honeylet.
Baka Bet Mo: Kitty Duterte may pa-‘hard launch’ sa real score nila ni Vic Singson?
View this post on Instagram
Samantala, sa naturang miting de avance ay nagsalita rin si Kitty at magpahiwatig sa tila pagpasok sa politika.
Ito raw ay may kaugnayan sa pagkakaaresto ng kanyang ama na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands para sa paglilitis sa kanyang kasong Crimes Against Humanity na inihain ng Internation Criminal Court.
“Ako ay isang 21-year-old college student lamang at ayaw ko sanang makisali sa politika. Pero nang dahil sa pag-kidnap at pag-abuso nila sa tatay ko, nandito ako ngayon para ipaglaban hindi lamang ang pamilya ko kundi ang bansang Pilipinas,” pagbabahagi ni Kitty.
Dagdag pa niya, “My love for my country is what brought me here. There was never any personal agenda involved. Mahal niya ang bayan niya. Pilipinas, Duterte pa rin!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.