Joel Villanueva okay sa pag-amyenda sa Maternity Leave Law

Joel Villanueva okay sa pag-amyenda sa Maternity Leave Law

Jan Escosio - May 07, 2025 - 03:12 PM

Joel Villanueva okay sa pag-amyenda sa Maternity Leave Law

PABOR si Senator Joel Villanueva sa plano na amyendahan ang Maternity Leave Law.

Suportado ng senador ang balakin na bawasan ang oras ng pagta-trabaho ng mga magbabalik mula sa maternity leave para magkaroon ng dagdag na oras sa pag-aalaga ang mga “working mother.”

Baka Bet Mo: Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod dito, hirit ng senador sa mga kompanya na bigyan din ng konting luwag sa trabaho ang ama ng sanggol upang makatulong sa pag-aalaga.

Hindi dapat aniya pabayaan na maging “underemployed” ang mga ina dahil sila ang mag-isang gumagawa ng mga responsibilidad, partikular na ang pag-aalaga sa sanggol.

Ipinaalala din ni Villanueva na ang pagtaguyod sa pamilya ay hindi solong responsibilidad ng mga ina kundi dapat ay katulong ang itinuturing na haligi ng tahanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »