Queen Hera nagbabala, picture ng anak natagpuan sa dark web

Queen Hera nagbabala, picture ng anak natagpuan sa dark web

Therese Arceo - June 14, 2025 - 08:20 PM

Queen Hera nagbabala, picture ng anak natagpuan sa dark web

EMOSYONAL ang content creator at businesswoman na si Queen Hera matapos matuklasan na ibinibenta ang larawan ng kanyang anak sa dark web.

Sa isang video na ipinost sa Facebook, umiiyak ang vlogger dahil sa natuklasang nakakakilabot na balita.

“Kaya hindi ko po masyado pino-post ‘yung mga pictures ni Diamond kasi iniiwasan ko talaga ito,” umiiyak na sabi ni Queen Hera.

Hindi rin mapigilan ng content creator na magmura dahil sa galit na nararamdaman.

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles willing maka-work si John, bet ng sampalan scene

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang bata-bata pa ng anak ko kung nakikita niyo,” pagpapatuloy pa ni Queen Hera.

Kasunod nito ay ang kanyang babala sa mga kapwa mommies na iwasan na ang mag-upload ng videos at photos ng kanilang mga anak sa social media.

“Please mga mommies, stop posting videos or kahit picture ng anak niyo. Nakita ko picture ng anak ko nasa website, binebenta,” sey ni Queen Hera na patuloy pa rin ang pag-iyak.

Chika pa ng vlogger-businesswoman, hindi lang daw sila ang biktima dahil nalaman lamang niya ang pangbababoy sa larawan ng anak sa isang mommy na nag-message sa kanya dahil biktima rin ang anak nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa hiwalay na video ay sinabi rin ni Queen Hera na sana’y magsilbing awareness ang kanyang ibinahagi tubgkol sa nangyari sa anak.

“Sobrang sakit na makita na nakadikt sa mga picture na ‘yun ang mukha ng anak mo kahit sabihing edited lang ‘yun. This is a very serious matter. Kaya awareness na lang sa mga magulang na mahilig mag-post ng mga bata,” sey ng vlogger.

Babala pa niya sa gumagawa ng pambababoy sa mga bata, “Ipapahanap ko kayo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »