Anti-rabies vaccine libre sa mga ospital, nagpapaturok dumarami
PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipino na nagpupunta sa mga ospital at clinic para magpabakuna ng anti-rabies.
Ang naging pagtaas ay tila dulot ng kaliwa’t kanang mga balita tungkol sa mga indibidwal na nasawi dahil sa pagkagat ar pagkalmot ng mga alagang aso at pusa.
Ramdam nga ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapaturok ng anti-rabies vaccines sa mga pampiblikong ospital partikular na sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Ayon sa kinatawan ng San Lazaro Hospital, asa higit-kumulang 2,000 katao ang pumupunta saAnimal Bite and Treatment Center ng ospital araw-araw buhat nang lumabas ang balita ng lalaking namatay dahil sa hindi nito nakumpleto ang bakuna matapos makagat ng aso.
Baka Bet Mo: Lalaki namatay dahil sa rabies, nakapag-‘I love you’ pa sa asawa
View this post on Instagram
Matatandaang naisulat namin dito sa Bandera ang tungkol sa lalaki na namatay matapos hindi makumpleto ang kinakailangang anti-rabies vaccine.
August 2024 nang makagat ang lalaki noong bumisita sa bahay ng kapatid at agad na nakapagbakuna ng isang shot.
Ngunit makalipas ang ilang buwan ay hindi na nasundan ang anti-rabies session dahil naging abala ang lalaki at marahil nanghihinayang sa presyo ng pagpapaturok.
At dahil rito ay marami na ang naging aware at nagpapabakuna para maging ligtas lalo na’t nakakamatay talaga ang rabies kapag umabot na ito sa utak.
Bagamat walang lunas sa virus kapag nararing na nito ang utak ng tao o maging ng hayop, malaking tulong ang anti-rabies vaccine para maiwasan ito.
Tumatagal ng lima hanggang sampung taon ang isang kumpletong bakuna ngunit kung nakagat o nakalmot ng isang stray animal ay maaaring magpa-booster shot.
Ayon naman kay Palace Press Officer Claire Castro ay libre ang anti-rabies vaccine saga national at local government hospitals sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.