Catriona nag-react na sa pagshi-‘ship’ sa kanila ni Vico: Followan lang!

Catriona Gray, Mayor Vico Sotto
WALANG malisya, nag-follow lang talaga sa isa’t-isa sa Instagram!
Ito ang nilinaw ni Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos mag-trending sa social media ang chikang baka may something na umano sa pagitan nila ni Pasig Mayor Vico Sotto.
Nagsimula ito nang mapansin ng maraming Marites na fina-follow na ng dalawa ang isa’t-isa sa IG.
Dahil diyan, marami na ang nagsasabi na bagay sina Catriona at Vico, kaya nabuo ang ship name na “ViCat.”
Baka Bet Mo: Netizens bet magkatuluyan sina Vico Sotto, Catriona Gray: ‘Perfect couple!’
Pero sa isang interview na iniulat ng INQUIRER, inamin ng beauty queen na kahit siya mismo ay nagulat sa nasabing chismis.
“Hindi ko nga inexpect na may meaning na ganyan. Followan lang. Mutuals lang,” sey niya sa MEGA Ball.
Kasunod niyan ay ‘yung reaksyon niya sa nabuong ship name: “Hindi ko talaga inexpect, basta [there are] happy people. There’s nothing really much more than the mutual follow.”
Samantalang si Mayor Vico, tahimik pa rin at hindi pa nagsasalita tungkol sa kanilang “mutual follow moment.”
Si Catriona ay dating engaged kay actor-singer Sam Milby.
Ikakasal na sana sila last year, pero bigkang kinumpirma ni Sam nitong Pebrero na hiwalay na sila ng beauty queen.
Si Mayor Vico naman consistent sa pagiging lowkey pagdating sa kanyang love life.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.