Ricky Davao mahilig mag-prank; 3 babaeng minahal nagsama-sama

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco
NGAYONG araw, May 30, ipagdiriwang sana ng namayapang award-winning actor na si Ricky Davao ang kanyang ika-64 kaarawan.
Pumanaw si Ricky sa edad na 63 noong May 2, 2025 dahil sa kumplikasyon sa kanyang cancer. At hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang ipinagluluksa ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Habang isinusulat ang artikulong ito para sa paggunita sa birthday ng isa sa maituturing na ring haligi ng showbiz industry, ay wala pang ibinabalita ang kanyang pamilya kung ano ang balak nilang gawin para sa kaarawan ng aktor.
Patuloy pa ring ipinagdarasal ng mga tagasuporta ng namayapang aktor ang katahimikan ng kanyang kaluluwa pati na rin ang naulila niyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak.
Naniwala rin kami sa mga sinabi ng mga nakakakilala sa kanya na saan man naroroon ngayon si Ricky Davao ay siguradong masaya pa rin ito at laugh lang nang laugh tulad noong nabubuhay pa siya.
Tulad na lang ng mga kuwento ng dati niyang asawang aktres na si Jackie Lou Blanco nang magbigay ito ng eulogy habang nakaburol pa ang premyadong aktor.
Komedyante raw sa tunay na buhay si Ricky at mahilig mag-prank lalo na noong mga bata pa lamang ang mga anak nilang sina Ara at Rikki Mae Davao.
View this post on Instagram
Natatandaan pa raw ni Jackie Lou nang umuwi ang aktor sa bahay at humiga sa sahig na duguan ang katawan. Hindi raw muna nito tinanggal ang props at damit na ginamit niya sa taping.
Naikuwento rin ni Jackie Lou sa kanyang eulogy ang tungkol sa kanya at sa dalawa pang babae sa buhay ni Ricky na nakasama pa niya sa intensive care unit (ICU) ng ospital.
Binanggit pa niya ang naulilang girlfriend ng aktor na si Mayeth Malca Darroca at nagpasalamat sa pag-aalaga sa kanyang ex-husband.
“I want to thank you, Malca, Ricky’s girlfriend, for taking such good care of Ricky,” sabi ni Jackie na nilapitan naman ni Mayeth at niyakap.
Ipinakilala rin ng aktres sa mga nasa lamay ang isa pang babae sa buhay ng namayapang aktor, si Cheryl Singzon, ang nanay ng kanyang youngest child. Tatlo ang naging anak nina Jackie Lou ay Ricky, sina Kenneth, Rikki Mae, at Ara.
“Ang joke nga namin, magkakasama kaming tatlo—si Aida, si Lorna, at si Fe (hango sa kanta ni Marco Sison). Kapag kami lang ni Malca, ‘Ang Dalawang Mrs. Real (teleserye nina Dingdong Dantes, Lovi Poe at Maricel Soriano sa GMA 7).'”
“I mean, we were all there to take care of Ricky in our own way. I was there not only to check on Ricky but to make sure that my children are okay because it was very difficult for them.
“But I’d like to say that the reason why we are all okay is because of the kind of man and person that Ricky was,” ani Jackie Lou.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.