Ricky Davao inalayan ng dasal sa 'Encantadia Sang'gre' presscon

Ricky Davao inalayan ng dasal sa ‘Encantadia Sang’gre’ presscon

Ervin Santiago - June 10, 2025 - 12:01 AM

Ricky Davao inalayan ng dasal sa 'Encantadia Sang'gre' presscon

Ricky Davao, Faith Da Silva, Bianca Umali, Kelvin Miranda, Angel Guardian, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia at Sanya Lopez

ILANG sandaling katahimikan kasabay ng panalangin ang inialay ng lahat ng dumalo sa grand media launch ng “Encantadia Chronicles Sang’gre” para kay Ricky Davao.

Isa ang namayapang aktor sa cast members ng pinakabagong edisyon ng “Encantadia” ng GMA Network kaya naman binigyang-pugay siya sa kalagitnaan ng presscon.

Naganap kahapon, June 8, ang bonggang-bonggang media launch ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” sa GMA Network Building na siyang huling teleserye ni Ricky sa GMA 7.

Bago ipakilala at banggitin ang pangalan ng namaalan na aktor bilang isa sa mga cast ay pinakiusapan ng host ng event na si Anjo Pertierra na mag-alay ng panalangin ang lahat para kay Ricky.

Sa kuwento ng “Sang’gre” gumaganap ang premyadong aktor bilang si Governor Emil Salvador. Palakpakan ang lahat nang ipasilip ang ilang eksena ni Ricky sa inaabangang serye.

Mahalaga ang karakter na ginagampanan ni Ricky Davao sa kuwento ng latest edition ng “Encantadia” na pinagbibidahan ng mga bagong Sang’gre – sina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith da Silva.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, in character na rumampa sa stage ang apat na bida ng action-fantaserye ng GMA, talagang palaban at walang inuurungan ang peg nila sa presscon.

Naging emosyonal sina Angel, Faith, Kelvin at Bianca sa pagharap nila sa mga miyembro ng entertainment media kasabay ng pagpapasalamat sa mga bossing ng network at sa buong production ng “Sang’gre” sa tiwalang ibinigay sa kanila.

Bukod sa apat na bida ng serye, ipinakilala rin ang major-major kontrabida ng programa – si Rhian Ramos na gumaganap bilang Mitena.

Present din sa naganap na mediacon  ang mga nagbabalik na nga Sang’gre na sina Glaiza de Castro as Pirena, Gabbi Garcia as Alena, at Sanya Lopez bilang Danaya. Ang wala lang sa presscon ay si Kylie Padilla na gumanap na Amihan sa remake ng “Encantadia” noong 2016.

Kasama rin sa cast ng fantaserye sina Manilyn Reynes, Buboy Garovillo, Sherilyn Reyes, Martin del Rosario, Vince Maristela, Mikee Quintos, Kate Valdez, Luis Hontiveros, Bianca Manalo, Therese Malvar, Gabby Eigenmann at Solenn Heussaff.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa direksyon nina Rico Gutierrez at Enzo Williams. Mapapanood na ang “Sang’re” sa GMA Prime simula sa June 16.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »