Bianca, Faith, Kelvin, Angel mas tumapang, naging palaban dahil sa ‘Sang’gre’

Faith Da Silva, Kelvin Miranda, Angel Guardian at Bianca Umali
NAPAKALAKAS ng impact ng “Encantadia Chronicles Sang’gre” hindi lang sa showbiz career ng apat na bida ng serye kundi maging sa personal nilang buhay.
“A journey of self-discovery and growth” kung ilarawan nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda ang mga bida ng “Sang’gre”
Nagkuwento ang apat na bagong Sang’gre sa mga naging pagbabago sa kanilang buhay mula nang gawin nila ang 2025 edition ng bagong “Encantadia.”
Sey ni Bianca na gumaganap bilang Sang’gre Terra, ang anak ni Danaya (Sanya Lopez), nagawa raw niyang labanan ang nararamdamang takot.
“The growth that I have attained is that I embrace fear. This time I embraced fear, I faced it and I think this is where I’m coming from.
“All my life, I didn’t understand marami ako kinakatakutan and that I had no choice, but to be brave. Because I didn’t have any fallback.
“But then now, I understood the strength in that. I let myself fall and then I brought myself back up,” pahayag ni Bianca sa panayam ng “24 Oras.”
View this post on Instagram
Natuto naman daw si Faith na gumaganap as Sang’gre Flamarra, na maging vulnerable bilang artista. Very open daw siya sa paghingi ng tulong sa kanyang co-stars sa programa.
“Tulad nila may question mark din sa akin e, na bakit sa akin siya ibinigay. It’s such a big responsibility. Natututo ako to connect with other people.
“Lagi akong my fear, ‘tatanggapin ba nila ako?’ Iba din pala ‘yung tapang na ibinibigay ng pag-ask ng help from the people around you.
“And ‘yung tulong na nabigay sa akin ng mga co-sang’gres ko, ‘yung journey na ito hindi siya magiging dikit na dikit sa kanila if I didn’t ask help from them,” chika pa ng dalaga.
Ibinahagi naman ng Kapuso hunk na si Kelvin Miranda na gumaganap bilang si Adamus ang ilang pagbabago sa kanya habang ag-dub ng ilang eksena para sa “Sang’gre.”
“Nu’ng nag-dub kami ng ilang scenes na kailangang i-dub. Grabe narinig ko ‘yung boses ko, iba! Nakita ko ‘yung the way ako kumilos, magbigay ng emosyon sa eksena.
“Sabi ko, hala! Ibang-iba talaga. So, parang nabataan ako sa sarili ko du’n. Ang gusto ko sabihin sa kanya, maraming salamat dahil ipinagpatuloy mo ‘yung paniniwala sa sarili mo. Kasi kung hindi, malamang wala ka sa kinalalagyan mo ngayon. And salamat sa tiwala,” lahad ng aktor.
Napapanood na gabi-gabi ang “Sang’gre” sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.