Ricky Davao namatay nang hindi nalamang pumanaw si Pilita Corrales

Pilita Corrales, Ricky Davao at Jackie Lou Blanco
REBELASYON ng seasoned actress na si Jackie Lou Blanco, namatay si Ricky Davao na hindi nalalamang namayapa na rin ang kanyang biyenang si Pilita Corrales.
Hanggang ngayon ay wasak pa rin ang puso ni Jackie Lou sa magkasunod na pamamaalam ng inang si Pilita at ng dati niyang asawang si Ricky.
Sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, May 13, napag-usapan nga ang tungkol sa pagluluksa at pagdadalamhati ng kanilang pamilya.
Dito nga naikuwento ng aktres na hindi nila talaga sinabi kay Ricky na patay na si Pilita, “In the beginning, I was thinking, should we tell him?
“But my kids were saying, ‘Mom, no na lang. He’ll feel bad pa. ‘Wag na lang.’ So, we didn’t,” pagbabahagi ni Jackie Lou.
View this post on Instagram
Sa kabila raw ng paghihiwalay nila ng namayapang aktor, nanatili pa rin ang kanilang magandang relasyon bilang magkaibigan at mga magulang sa kanilang mga anak.
Feeling ng aktres, mas magiging mabigay para kay Ricky na nakikipaglaban din sa kanyang karamdaman, kapag nalaman nitong patay na ang kanyang ina.
“When Ricky and I got separated, ‘yun ‘yung hindi nawala, my mom’s love to Ricky and Ricky’s love to my mom. It was always there and that’s such a blessing to have that,” saad ng aktres.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa niya, “Since nauna si mom, pagdating ni Ricky sa langit, sasabihin ni Ricky sa langit, ‘Oh, mamita! Nandito ka!’
“Sasabihin ni Mamita, ‘Oh!’ Tapos sasabihin ni Ricky, ‘Oh! Kanta tayo!’ Sasabihin ng mommy ko, ‘Hanggang dito ba naman, Ricky, magdu-duet pa tayo?’” chika pa ni Jackie Lou.
Sumakabilang-buhay ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales sa edad na 87 noong April 12 habang namaalam naman si Ricky noong May 2 dahil sa komplikasyon sa cancer sa edad na 63.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.