Jessica Rodriguez iniwan si David Bunevacz matapos makulong: I have to do it!

PHOTO: Screengrab from YouTube/Ogie Diaz
“WE have nothing, you know what I mean? Like having these (minuwestra), we have nothing,” ito ang pahayag ni Jessica Rodriguez na dating asawa ni David Bunevacz.
Si David ang dating atleta, TV personality at negosyante, na nahatulan ng 17 years and 6 months ng pagkakakulong dahil sabit siya sa scam ng isang vaping business na nagkakahalaga ng $28 million o mahigit P1.5 billion.
Bukod sdiyan ay pinagbabayad din siya ng $35 million o halos P2 billion bilang kabayaran sa mga taong naloko niya.
Si Jessica ay kilalang aktres at talent manager na napangasawa si David noong nandito pa sila sa Pilipinas pero naputol ang karera niyang ito sa showbiz nang magpunta na silang pamilya sa Amerika.
Baka Bet Mo: Dating atleta na si David Bunevacz 17 taon makukulong sa US dahil sa pambubudol, pinagbabayad ng P2-B danyos
Nakapanayam si Jessica sa “Ogie Diaz Inspires” noong nasa Amerika sina Ogie at Mama Loi para sa nakaraang screening ng pelikulang “How to Get Away From My Toxic Family.”
Natanong ni Ogie kung bakit hiniwalayan ni Jessica si David sa panahong nasa lowest point ito ng kanyang buhay
“Maraming nagsasabi na bigla ko siyang iniwan, actually hindi, eh. I think may mga purpose kung bakit din, you know, that I had to do it and also at the same time, I just want to go back (because) I lost my identity.
“Nu’ng nangyari ‘yun sa Pilipinas (ipinakita ang article na nagtatago silang mag-asawa) na nagkulong (nagtago) tapos nagpunta kami rito, nawala ako, ‘yung Jessica Rodriguez na host, talent manager na artist nawala ‘yun lahat!
“So, I became Jessica Rodriguez-Bunevacz the mom, the wife and then nangyari na naman ito, I was really grasping for air kaya alam mo life is precious, eh, kasi you’ll never really know what will happen.
“’Di ba I wrote a book na ‘Date like a Girl, Marry like a Woman’ (Ipinakita ang libro) then I advised mga couples, marriages and relationships sa podcast ko.
“Ito ‘yung relationship and marriage na lahat ng they adore us (sila ni David) na they adore us na ‘yung marriage naming parang perfect (na) they love each other then all of a sudden it was broken.
“So, parang nawala ‘yung identity ko ulit pangalawang beses na parang who am I this time? Before I was a host, artist, talent manager nu’ng nasa Pilipinas ako, ate ng mga kapatid ko na ako ang bumubuhay, tapos nag-asawa ako tapos nawala nu’ng umalis kami ng Philippines, so, who am I?” mahabang esplika ni Jessica.
Sa kasalukuyan ay may dalawang trabaho si Jessica at may producer na nag-alok na gawin ang kanyang life story, “It will slowly happen soon.”
Nabanggit din niya na ang Filipino community sa Amerika ang tumulong sa kanila noon.
Inaming hindi rin naniniwala sa divorce si Jessica, “When I got married, ‘yung ano (paniniwala) ko is to be there in sickness and from high and lows I have to be there for him (David) and the family, so I stuck with that family, I stuck with the marriage but then again after this whole thing (scam) happen parang sabi ko, ‘Oh my God sinong puwede kong lapitan.’ I was grasping for air tapos hindi ko alam sinong hahawakan ko?”
Sa loob ng 23 years nilang kasal at laging magkasama sina David at Jessica at pagkatapos ay biglang nawala at aminadong halos masiraan siya ng bait.
May payong kuwento rin si Jessica sa married couple o mag-partner, “Kapag nag-cheat ang asawa, ‘di ba ang huling nakakaalam ay ang misis. In fairness sa kanya (David), he gave me everything that he can possibly give as perfect husband. Hindi siya nambabae, he’s a very good provider, he loved me so much and in my heart alam kong hindi na ako makakahanap ng lalaking kung paano niya ako trinato.
“He (David) really treated me as a queen. The knowledge of him having ‘yung gambling habit niya, I really did not know anything about. Siya lang ang nakakaalam, walang may alam kahit sino talaga.”
Nagulat si Ogie sa kwentong ito dahil hindi man lang daw nagduda si Jessica kung bakit maraming pera ang dating asawa at saan galing ang ikinabubuhay nilang pamilya.
“No, well in fact he has a business even up to now ‘yung dalawang anak ko they work (sa business),” katwiran nito.
Giit ni Ogie na saan galing ang sobra-sobrang pera.
“Hindi kasi galing ako sa Pilipinas and I grew up with commission basis (mula sa mga alaga), so akala ko kapag mayroon siyang na-close na business sabi niya, ‘Oh I have commissions’…It was a commission but it was a long story, so hindi pala lahat commission,” paliwanag ni Jessica.
At sa lahat ng kaganapang nangyari sa buhay nilang mag-asawa ang naging dahilan kung bakit kinailangang i-diborsyo ni Jessica si David pagkalipas nng 23 years nilang pagsasama.
“Yung I didn’t really know who he was, although I know in my heart that he really loved me, e, pangalawang beses na ito, so, I feel like it’s time for me to move on,” sambit ng ex-wife ni David.
Sa kasalukuyan ay okay naman daw ngayon si David at nasa magandang facility (kulungan) sa Amerika.
“Alam mo naman dito (US) iba, they put you in a good facility, it’s camp, I haven’t spoken to him for like a year already after the divorce thing and I hear from the kids that he’s doing okay. We’re okay but (hindi nag-uusap) para maka-move on ako at maka-move on din siya plus ang focus ko ngayon is to really work hard.
“It’s very hard na tumira dito sa US na nag-depend ako kay David for 22 years wala kaong trabaho, wala kaong ginawa nagpo-podcast lang ako ganyan pero wala akong ginawa kasi talagang inalagaan niya ako, pinagda-drive pa niya ako everyday kung saan ako pupunta then all of a sudden nawala kaya hindi ko alam gagawin ko plus I’m in a foreign country (at) mahirap tumira dito sa Amerika, I’m a single mom pa pero kung nasa Philippines ako I think I would’ve survive better,” chika ni Jessica.
At dahil forte nito ang marketing at sales ay ito ang nature ng trabaho niya ngayon at tinulungan niya ng bestfriend niyang si Nino Lim na asawa ni Krista Ranillo na rati ring aktres dito sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.