Ogie Diaz ‘di binoto sina Willie Revillame, Philip Salvador sa 2025 elections
Eleksyon 2025 - Bandera May 20, 2025 - 09:06 PM
AMINADO ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz na hindi niya binoto ang mga kasamahan sa showbiz na sina Willie Revillame at Philip Salvador.
Isang linggo matapos ang 2025 midterm elections, naimbitahan ang talent manager na mag-guest sa online show na “Facts First Tonight with Christian Esguerra” para pag-usapan ang nagdaang eleksyon.
“Happy ako kasi nakapasok so Bam [Aquino] at si Kiko Pangilinan kasi sila ‘yung pinu-push ko talaga dahil alam mong wala sa survey na alam kong kailangan ng mga tao,” pagbabahagi ni Ogie.
Bukod sa pagpapahiwatig sa kanyang followers kung sino ang dapat iboto, sinabi niyang nagbabala rin siya sa madlang pipol kung sino ang hindi dapat iboto.
Baka Bet Mo: Karla Estrada kay Ogie Diaz: Nakamagkano ka sa mga content mo sa ‘kin?
View this post on Instagram
“‘Yung mga walang plano, ‘yung saka lang magpaplano o magkakaroon ng plataporma kapag nanalo na… Binibigyan ko rin sila ng idea na ‘wag iboto ‘yung mga walang plano, ‘yung mga masyado lang nagre-rely sa kasikatan nila,” pagpapatuloy pa ni Ogie.
Natanong rin ni Christian ang showbiz personality kung ibinoto ba niya sina Willie at Philip na tumakbo bilang senador sa magdaang halalan.
Tahasang inamin ni Ogie na hindi siya nagbigay ng suporta kay Willie dahil mayroon silang “bad history”.
Aniya, may puntong sinumbatan siya ni Willie patungkol sa pagbibigay niya ng tulong noong nangangailangan siya dahil lamang sinita siya nito sa maling gawi niya.
“Kung feeling ko naman kahit ka-industriya kita pero feeling ko wala ka namang magagawa sa pagpasok mo sa politics… ang senado ay paggawa ng batas,” giit ni Ogie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.