Nanay ni Carla Abellana kampi kay Marjorie Barretto, relate much daw

Carla Abellana, Rea Reyes at Julius Babao
SIMULA pala nu’ng ikinuwento ni Rey Abellana ang dahilan kung bakit hiniwalayan ng anak niyang si Carla Abellana ang dating asawang si Tom Rodriguez ay hindi pa sila nagkita ng anak.
Ayon kay Carla, hindi siya galit sa ama, nagkataong wala lang chance na magkita sila at hindi naman daw siya nakalilimot na batiin ito pag may okasyon tulad ng birthday ng aktor.
Hirit ng mommy ni Carla, “Even before that, they didn’t see each other.”
Sa panayam ni Carla kay Julius Babao sa “Unplugged” vlog nito sa YouTube kasama ang inang si Gng. Rea Reyes ay nakuwento ng huli na hindi na naman kailangang mag-usap pa ang mag-ama pagkatapos ng nangyari na mas nauna pang magkuwento sa press.
Aminado ang mommy ni Carla na hindi rin close ang kanyang anak sa ama nito dahil simula nu’ng bata ay sa kanya naman tumira ang anak.
Sabay hirit pa ng mom ni Carla, “That’s why I understand Marjorie Barretto!”
View this post on Instagram
“So team Marjorie ka? Bakit?” tanong ni Julius.
“Because I see all the signs (red flags). It’s exactly what happened to me. So, I understand completely what she’s (Marjorie) going through,” diin ulit ng ina ni Carla.
Ang tinutukoy ni Rea Reyes ay ang pinagdadaanan ni Marjorie sa ex-husband nitong si Dennis Padilla na mag-isang pinalaki ang mga anak nilang zina Julia, Claudia at Leon.
Sabi ulit ni Rea Reyes, “I understand her completely, I know what she’s going through or what she went through that’s why I am very much team Marjori. Because whatever that she went through, I went through the same thing. And it’s hard because people judged her, no! I think she did the right thing.”
Panay naman ang pag-ayon ni Carla sa paliwanag ng ina at sabay sabing, “And she’s (Marjorie) protecting the children, she did the right thing.”
Dagdag pa ng mama ng aktres, “And even her own children were speaking about it di ba? So, parang to me it only shows that if she (Carla) were brave enough to say something also whatever Marjorie’s children said is probably what she would have said also if she would just vocal enough but basically they’re saying what they went through as children growing up.”
Muling ipinagdiinan ni Carla na hindi siya nakatikim ng physical abuse kay Tom. Sabi naman ng ina ng aktres, “Emontional and mental abuse psychological.”
Natanong ni Julius nu’ng panahon nina Rea at PJ ay nagsalita ba ang ina nitong si Ms. Delia Razon (SLN) nu’ng naghiwalay sila.
“Oh yeah, well, she was totally against us having a relationship in the beginning pa lang. And then nu’ng nag-elope kami nu’ng ex-husband ko (ayaw banggitin ang pangalan), so, parang even more na ‘I don’t like him!’
“And three years later, we separated, ‘well, I was right!’ (sabi raw ni Ms. Delia). She was right all along, I didn’t listen bata pa kasi ako nu’n, only 18,” balik-tanaw ng mama ni Carla.
Samantala, halos pareho ang nangyari kina Marjorie at Rea dahil nakatatlong relasyon din si Rey pero sa ikatlo ay magkasama pa rin sila kumpara kay Dennis na ang tatlong nakarelasyon kung saan mayroon siyang mga anak ay pare-parehong nahiwalay na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.