Babaeng netizen nag-viral dahil sa regalong panty ng nanay: Nakakaiyak!

Stock photo
IPINAHAHANAP ng isang multinational beauty company ang isang anak na breadwinner na nag-viral kamakailan dahil sa “panty.”
In fairness, naantig ang napakaraming netizens sa viral post ng nasabing anak na naging emosyonal matapos regaluhan ng mga panty ng kanyang nanay na binili mula sa brand na kilala sa direct selling ng cosmetics at skincare products.
In-upload sa Facebook page na “Klasik Titos and Titas of Manila” ang kuwento ng isang anonymous sender tungkol sa sorpresang regalo ng kanyang ina na unang ipinost sa Reddit.
“Tanghaling tapat pero napaluha kami dahil sa panty. Praying na mas lalo ka pa sumakses,” ang nakasulat sa caption ng post.
“Para ma-achieve ang fantasy nila, tumanggap ako ng mga raket bukod sa work ko,” aniya.
Narito ang bahagi ng nasabing post: “Ilang gabi akong puyat susme. Kaya Mahal na Araw lang ako naka-uwi para isahang bagsak. Since matagal ngang di nakauwi sa probinsya, ang dami kong bitbit and kanila lang ako nagka-time na ayusin ang mga damit ko.”
Nang buksan daw niya ang kanyang bag ay bumulaga sa kanya ang mga bagong panty. Siniksik daw ng nanay niya ang mga ito sa gamit niyang bag dahil luma na raw ang kanyang mga underwear.
“Hindi ko napigilan humagulhol ako. Binili raw ni Mama, inipon niya sa mga natitira kong padala,” sabi pa ng netizen.
Nai-share rin niya na noong bata pa raw siya ay hindi sila nakakabili ng branded na panty. Kadalasan ay sa palengke sila bumibili ng panty kaya naman kapag nagkukuwentuhan ang mga classmates niya tungkol sa tatak ng panty at hindi siya makasali.
“Magc-college na rin si Bunso at hopefully in 4 years ay lahat kami tapos na. Ang layo ko na! Ang layo na namin! Kaunti na lang, malapit na ako naniniwala ako,” sey ng netizen.
Maraming nag-share at nag-like sa naturang post hanggang sa makarating na nga sa isang multinational beauty company. Kaya naman nag-post sila sa Facebook ng, “HELP US FIND ‘ATE’!”
“We were moved by her story and we are actively looking for her since she posted on Reddit kasi gusto namin siyang mapasaya. Kaya internet sleuths, we are asking for your help to find her. ”
“Lika? Pasayahin natin siya!” ang nakasaad pa sa caption.
Wala pang update kung natagpuan na ng nasabing kumpanya si Ate Girl.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.