Marco Gumabao tanggap ang pagkatalo, tutulong pa rin

Marco Gumabao tanggap ang pagkatalo, tutulong pa rin sa nangangailangan

Therese Arceo - May 13, 2025 - 07:06 PM

Marco Gumabao tanggap ang pagkatalo, tutulong pa rin sa nangangailangan

TANGGAP na ng aktor na si Marco Gumabao ang kanyang pagkatalo sa kanyang pagtakbo bilang kongresista ng 4th district ng Camarines Sur.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, May 13, nagpaabot siya ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong nagbigay ng suporta sa kanya sa nagdaang kampanya.

Saad ni Marco, “Maraming, maraming salamat po.

Sa bawat nakipagkamay, nakipagkwentuhan, at nagbukas ng puso’t tahanan sa amin nitong nakaraang mga buwan—taos-puso po ang aking pasasalamat.”

Baka Bet Mo: Marco Gumabao, Cristine Reyes naghiwalay nga ba dahil sa pera?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Lahad ni Marco, hindi man nangyari ang inaasahan niyang pagkapanalo ay ibinigay naman niya ang kanyang best.

“Hindi man ito ang resulta na aming hinangad, alam kong ibinigay natin ang lahat, at buong puso tayong lumaban.

“Sa lahat ng bumoto, sumuporta, tumulong, at naniwala—salamat po sa pagtanggap sa amin, sa inyong tiwala, at sa pagmamahal na ipinakita ninyo sa bawat sulok ng Partido,” dagdag pa ni Marco.

Aniya, isang malaking tagumpay pa rin para sa kanya ang makilala ang mga kababayan.

Sey ni Marco, “Isang malaking tagumpay na kayo ay aming nakilala. Ang dami kong natutunan at nadama, at hinding-hindi ko po makakalimutan ang bawat kwento at pangarap na ibinahagi ninyo sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At para sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng laban na ito—hindi ito ang katapusan. Nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwanan.”

Sa kabila ng pagkatalo ay nangangako naman si Marco na patuloy pa rin siyang maglilingkod kahit walang posisyon sa gobyerno.

“Nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwanan. Ang serbisyo at malasakit, hindi lang nasusukat sa puwesto,” sabi pa ni Marco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »