65-anyos na lolo namatay pagkatapos bumoto sa Albay

65-anyos na lolo namatay pagkatapos bumoto sa Albay

Ervin Santiago |
Eleksyon 2025 -
May 12, 2025 - 02:50 PM

65-anyos na lolo namatay pagkatapos bumoto sa Albay

Photo from BFP R5 Oas Fire Station Facebook page

ISANG 65-anyos na lolo ang nasawi nang atakihin sa puso matapos bumoto sa isang voting precinct sa Oas South Central School, Albay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nangyari ang insidente dakong alas-6 ng umaga ngayong Lunes, May 12.

Ayon sa ulat, nagawa pa raw makaboto ng nasawing biktima na nakilalang si Nestor Rensales, nang bigla itong mahilo at mahimatay sa loob ng classroom.

Agad na dinala sa Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital sa Ligao City ang senior citizen ngunit  binawian rin siya ng buhay.

Sabi ni Albay police spokesperson Maj. Ma Luisa A Tino sa isang panayam, “Yung matanda na yun katatapos niya lang magboto, hinihintay niya yung asawa niya na nakapila pa din.

“Noong lumabas yung asawa niya nagsabi siya na parang nahihilo siya yun, bigla na lang siyang nahimatay,” sabi pa ng opisyal.

Sa ibang ulat, nabatid na stroke survivor ang biktima at maaaring ang naranasang matinding init sa pagpila para makaboto ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

Sabi ng asawa ng senior citizen na si Julia Rensales sa isang report, alas-5 pa lang ng madaling-araw ay nakapila na sila sa polling precinct.

“Sabi ko nga huwag ka nang bumoto  kasi mainit, pero pinilit niya. Sabi niya, kaya ko pa man aniya bumoto. Sayang ang boto, kaya nakapaboto pa siya.

“Palagi kaming maaga. Hindi naman agad nakapag-umpisa dahil yung mga magse-serve na teacher yun na muna ang inuna, kaya siya nahuli. Ayaw pa naman nu’n maghintay dahil naiinip, saka yung init nga,” pahayag pa Julia sa naturang interview.

Dagdag pa ng misis ng biktima, “Nagta-thumbmark na lang siya tapos ako nagsusulat nga ako ng balota, du’n na siya hinimatay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bunsod ng nangyaring insidente, muling pinaalalahanan ng mga otoridad ang lahat ng boboto na iwasang makipagsiksikan sa mga polling precinct.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »