Maine Mendoza sa mga botante: Doon tayo sa mga tapat at nararapat!
Eleksyon 2025 - May 12, 2025 - 01:25 PM

Maine Mendoza
HABANG patuloy ang pagboto ng mga Filipino ngayong araw para sa 2025 midterm elections, may paalala naman ang TV host-actress na si Maine Mendoza.
Sa pamamagitan ng kanyang social media pages, nanawagan ang “Eat Bulaga” Dabarkads sa sambayanang Filipino na maging matalino sa pagboto at pagpili ng mga ihahalal na kandidato.
Ayon kay Maine, huwag sayangin ang chance na pumili ng mga karapat-dapat na public servant na mamumuno sa ating bansa.
“Sa Lunes na ang #Halalan2025. Huwag natin sayangin ang pagkakataon na pumili ng mga tamang tao na may TUNAY na malasakit sa ating bansa at sa mga Pilipino,” ang pahayag ni Maine.
“Doon tayo sa mga tapat at nararapat. Vote smart, para sa bayan, sa kabataan, at sa kapwa Pilipino,” aniya pa.
Kasunod nito, ipinost din ng aktres sa kanyang Facebook ang kumpletong listahan ng mga tumatakbong senador ngayong eleksyon.
“Ito po ay mga profile ng LAHAT ng tumatakbong senador para mas makilala niyo sila at makapagbigay sana sainyo ng gabay sa pagpili ng mga tamang kandidato sa darating na eleksyon.
“Maging mapanuri pa rin po, kung gusto niyong makilala nang mas mabuti ang mga kandidato.
“Mahalaga ang mag research at mag fact check bago maniwala sa mga nakikita at nababasa online. Talamak ang fake news. Maging responsable tayo na alamin ang totoong impormasyon.
“Vote wisely!!! Bumoto ng tama. Bumoto nang tama,!” ang paalala pa ng “Eat Bulaga” host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.