K Brosas sa pagbisita kay Kris Aquino: ‘Super chika galore kami tulad dati!’

K Brosas, Kris Aquino with Bimby and Josh
TODO chika at talagang nag-enjoy si K Brosas sa muling pagkikita nila ni Kris Aquino recently.
Ito ang inihayag mismo ng komedyana matapos bisitahin at maka-bonding ang Queen of All Media, pati na rin si Bimby.
Sa Instagram, masayang ibinandera ni K Brosas ang naging bonding moments nilang tatlo.
Ang bungad niya sa caption, “At last nakapunta na kay gorge @krisaquino…kahit mejo mahina at masama pakiramdam nya super chika galore tulad lang ng dati.”
“[Infairness] mejo nag-gain na siya ng konting weight…Sana po tuloy lang natin dasal para sa recovery nya,” pakiusap niya sa madlang pipol.
Ang mensahe pa niya sa bunsong anak ni Kris, “Bimb, sobrang nakaka proud ka! halos buong araw kami magkasama kahapon, nakakatuwa na makita siya na binata na at sobrang sweet, bait, napaka-gentleman at super humble.”
“See u guys uli soon…lablablab! [red heart emoji],” aniya pa.
View this post on Instagram
Magugunita na nitong nakaraang buwan lamang nang ipagdiriwang ang ika-18th birthday ni Bimby.
Naki-celebrate diyan ang celebrity makeup artist at isa sa mga BFF ni Kris na si RB Chanco na kung saan ay may nabanggit siya sa isang post tungkol sa umano’y takot ng batikang TV host na baka raw ito na ang last birthday celebration kasama ang anak.
Nitong Abril naman, ibinunyag ni Kris na naging siyam na ang na-diagnosed na autoimmune diseases niya.
Kabilang na riyan ang Autoimmune Thyroiditis, Chronic Spontaneous Urticaria, EGPA, Systemic Sclerosis/ Scleroderma, Lupus, Rheumatoid Arthritis, Fibromyalgia, Polymyositis, at Mixed Connective Tissue disease.
Sa gitna ng pinagdaraanang mga pagsubok kaugnay ng kanyang lumalalang health condition, sinabi ng Queen of All Media na unti-unti na niyang natututunan na ipagpasa-Diyos na lamang ang lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.