Kris proud sa pagpapalaki kay Bimby, humugot sa 'manggagamit'

Kris Aquino proud sa pagpapalaki kay Bimby, humugot sa ‘manggagamit’

Reggee Bonoan - April 28, 2025 - 09:17 AM

Kris Aquino proud sa pagpapalaki kay Bimby, humugot sa 'manggagamit'

Kris Aquino at Bimby

“SANA nga, mahirap din kasing makipag-debate sa kanya,” ang kaswal na sabi ni Kris Aquino sa mga pumupuri sa bunsong anak na si Bimby dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Bimby nang magdiwang ito ng kanyang 18th birthday na nasulat namin dito sa BANDERA noong Abril 24 ay maraming netizens ang pumuri sa binata dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa inang si Kris.

Isinantabi ni Bimb ang pagpasok sa showbiz dahil mas gusto niyang mag-focus muna sa pag-aalaga sa mama niya at sa kanyang pag-aaral.

Sabi nga ng binata, “Mom’s worth it to take care of her. It’s really worth it talaga saka it’s not boring at all, alam mo naman si mama never a dull moment with mama, eh.”

At ngayong nasa legal age na ang bunsong anak ni Kris ay wala siyang wish kundi lagi niya itong ipinanalangin.

“Hindi wish, ipinagdarasal ko parati na kung gaano siya kabait ngayon all the way until siya na ‘yung may anak (at) sana umabot na may apo, ganyan pa rin kabait.

“Kasi hindi ko binubuhat ‘yung bangko ko but maganda talaga ‘yung pagpapalaki sa kanya because it takes a village. And then I had so many people helping me marami siyang mga mentor na until now malaki na siya ‘tito (and) tita’ pa rin ang tawag niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“I also realized that, di ba maraming nagsabi na plastic sa showbiz, users, no! ‘Yung mga naging totoong kaibigan niya na tini-treat siyang parang baby pa rin galing sa showbiz at galing sa politika, ma-amaze ka kasi paano nangyari ‘yun?

“E, di ba user-friendly ang dating pero it’s not true! I would tell you na ang daming nagme-make ng effort na samahan siya kasi hindi nga ako makalabas and sinusunod siya and we made real friends also noong nasa Amerika kami.

“I’m also proud of him kasi he’s really smart, straight A’s pa rin (ang grade) and masipag siya, he wakes up before 7 (a.m) for home schooling pero tumatawad siya ng 10 minutes,” natawang kuwento ni Kris.

Kinontra naman ito ng anak, “Ako ang tumatawad? Ikaw kaya (sabay muwestrang yayakap sa kanya ang mama niya). Ha-hahahaha!”

Ikinuwento rin ni Kris na maraming pumupuri nga sa anak kaya proud siya bilang ina pero humirit si Bimb ng, “I had good kuyas eh.” Na ang ibig sabihin ng binata ay may nagtuturo rin sa kanya bukod sa mama niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Kris, “No, it’s you! No false humility. Kasi when you hear na ang guwapo niya, ang bango-bango at ang bait pa, proud na proud ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »