Mother's Day 2025: Nora naging ina rin ng napakaraming artista

Mother’s Day 2025: Nora Aunor naging nanay din ng napakaraming artista

Ervin Santiago - May 08, 2025 - 12:45 AM

Mother's Day 2025: Nora Aunor naging nanay din ng napakaraming artista

Nora Aunor at ang limang anak

HINDI lang sa lima niyang anak naging nanay ang Superstar na si Nora Aunor kundi maging sa napakaraming artistang nakasama niya sa teleserye at pelikula.

Patunay diyan ang walang katapusang pagpapasalamat sa kanya ng napakaraming artista na nakatrabaho niya sa ilang dekadang pamamayagpag niya sa mundo ng showbiz.

Bukod pa riyan ang pagdalaw ng mga  celebrities at pagbabahagi ng kanilang hindi makakalimutang karanasan tungkol sa National Artist for Film and Broadcast Arts.

Lahat sila’y nagsabing itinuring din silang parang anak ng namayapang Superstar dahil sa ipinaramdam nitong tunay na pagmamahal at pagkalinga kapag nagkakasama sila sa shooting at taping.

Ilan sa mga kabataang nakatrabaho ni Ate Guy na nagbigay-pugay sa kanyang pagpanaw ay sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Jeric Gonzales, Edgar Allan Guzman, Carol Banawa, Bianca Umali at marami pang iba.

Pinatunayan din ni Nora na wala rin sa dugo ang pagiging nanay dahil sa ibinigay niyang unconditional love sa mga adopted children niyang sina Lotlot, Ian, Matet, Kenneth at Kiko. Tanging si Ian de Leon lamang ang naging biological son niya mula kay Christopher de Leon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sabi nga ni Matet sa isang panayam, “Never niya po ipinaradam sa amin iyon. Nalaman po namin kasi na ampon kami through the helpers. Si Kuya, anak ni mommy pero tayo, anak niya sa heart.“

Naniniwala naman si Ian na habangbuhay nang aalalahanin ng sambayanang Pilipino ang kanyang ina, “Ang pamana po ng nag-iisang Superstar ay hindi nananatili sa iisang henerasyon lamang. Ito ay patuloy nananatiling buhay sa puso at kamalayan ng sambayanang Pilipino.

“Nasaksihan namin kung pano siya lumaban, hindi lamang para sa kanyang karera, kundi para sa mga kwentong nais niyang bigyang buhay. Mga kwentong Pilipino, totoo at makabuluhan,” sabi pa ni Ian.

Nagbitiw naman ng pangako si Lotlot na ipagpapatuloy nila ang legasiyang iniwan ng kanilang ina sa entertainment industry.

“Ma, alam mo po I find myself talking to you every day at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na din naman sa’yo lahat mommy at alam ko din na ang bilin mo sa akin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo. ‘Yung tinuro mo sa akin na maging atatag sinusubukan ko po talagang gawin.

“Ma, maraming nagmamahal sayo. Sobra! Sana nakikita n’yo po yun. They all showed up for you and our family and kami na mga anak mo sobrang grateful po.

“Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always ma. Alam ko hindi mo kami pababayaan sa bawat desisyon na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kami nagkakaisa dahil sa ‘yo.

“We promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko. Rest easy ma,” pahayag ni Lotlot.

Marami namang napaluha sa naging eulogy ni Matet tungkol sa hindi nila pagkakaintindihan nila noon ni Ate Guy.

“Syempre hindi naman po lingid sa kaalaman ng lahat na may mga ano kami ni Mommy. Ako po ang — according to her good friends na nag-aalaga sa kanya — palagi daw po akong binabanggit ni mommy sa kanila as ‘yung anak niyang sutil.

“Meron po kaming mga hindi pagkakaintindihan; maraming times na hindi po kami nakakapag-usap. ‘Yung mga kapatid ko po nakakausap nila si mommy pero ako hindi masyado.

“Ayoko po magsalita dahil I am still full of regrets,” she admitted, wiping the tears from her face. Alam mo na, Ma, kung ano po ‘yung sinabi ko sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo, Mommy. Pahinga na po kayo,” ang pamamaalam pa ni Matet sa kanyang ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw si Nora Aunor noong April 16 sa edad na 71 “due to acute respiratory failure.” Inihatid siya sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani noong April 22.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »