Daniel Padilla nagtanim ng mga puno para sa 30th birthday

Daniel Padilla nagtanim ng mga puno sa Batangas para sa 30th birthday

Ervin Santiago - May 07, 2025 - 11:41 AM

Daniel Padilla nagtanim ng mga puno sa Batangas para sa 30th birthday

Daniel Padilla

MAS naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ng kanyang 30th birthday kasama ang ilan niyang loyal fans.

Nakiisa ang “Incognito” star sa isinagawang na tree planting na in-organize ng isa sa mga produktong ineendorso niya. Nangyari ito kasabay ng pagse-celebrate ni DJ ng kaarawan last  April 26.

Sa social media page ng Star Magic makikita ang mga litrato ni Daniel kasama ang kanyang mga supporters na nagtanim ng mga puno sa Batangas.

“A birthday meaningfully spent for Daniel Padilla who collaborated with multi-awarded Filipino artist and environmentalist, AG Saño, other philanthropists, dear fans, and a brand he endorses in hosting a tree planting activity in Calatagan, Batangas,” ang mababasa sa caption ng IG post ng Star Magic.

In fairness, dedma lang si DJ sa matinding init ng panahon habang nagtatanim at kitang-kita naman na nag-eenjoy din siya sa kanyang ginagawang adbokasiya.

“DJ and fellow environmental advocates powered through the scorching summer heat as their hard work is a testament to their all-out support for Mother Earth.

“Special thanks to DJ’s supporters that willingly joined in the cause! Know that your dedication and participation are super appreciated,” ang nakalagay pa sa caption.

Sa isang video naman na ibinahagi ng kanyang endorsement, nagpasalamat ang aktor sa lahat ng tumulong para maisakatuparan ang ginawa nilang tree planting activity.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng oras ngayong araw na ‘to… Natupad nila ang ating misyon na mag-give back sa ating Inang kalikasan. Sana hindi lang ito ang first time gawin–– tuloy-tuloy na nating gawin ito,” sey ni DJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


Pinuri naman ng mga netizens ang ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo sa napili nitong advocacy bilang bahagi ng pagse-celebrate ng kanyang 30th birthday.

Sana raw ay mas marami pang magawang makabuluhang proyekto ang aktor bukod sa pag-arte. Sabi nga ng isang fan, “Ang ganda ng advocacy mo supremo.”

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagdiwang naman ng kanyang ika-29 kaarawan si Daniel kasama ang mga batang nasa Center for Health Improvement and Life Development (CHILD) Haus s Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, bumisita rin siya sa isang dog and cat shelter sa Arayat, Pampanga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »