Kathryn Bernardo, Alden Richards itinanghal na 2024 Box Office Queen at King

PHOTO: Instagram/@aldenrichards02
ANIM na buwan mula nang magpakilig sa mga sinehan, ramdam pa rin ang magandang chemistry nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Dahil kasi sa pelikula nilang “Hello, Love, Again,” pormal silang kinilala bilang Box Office Queen at King!
Ang naghirang sa kanila ay ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Proud pa ngang ibinandera ng Star Cinema at GMA Pictures ang isang Instagram post na makikitang hawak ni Alden ang kanyang tropeyo sa naganap na awarding ceremony, habang hindi naman nakadalo sa event si Kathryn.
Baka Bet Mo: Alden Richards nakasama si Tom Cruise sa Korea: ‘Mission accomplished!’
At hindi lang ‘yan, pati mismo ang pelikula nila ay kinilala ng CEAP dahil sa pambihira nitong performance sa takilya!
“HANGGANG SA HULI, THANK YOU FOR YOUR LOVE! Kathryn Bernardo and Alden Richards were awarded 2024 Box Office King and Queen by Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP),” saad sa caption.
Dagdag pa, “‘Hello, Love, Again’ was also recognized by the CEAP for its historic success as the top-grossing Filipino movie of all time.”
View this post on Instagram
Ang latest movie ng dalawa ay ang sequel ng 2019 blockbuster na “Hello, Love, Goodbye.”
Sinundan nito ang emosyonal na love story nina Joy at Ethan na unang nagkakilala sa Hong Kong at muling nagpatuloy nang muli silang magkita sa Canada kung saan naging abala ang una sa kanyang nursing career.
Matatandaan na ang nasabing pelikula ay nagtala ng kasaysayan bilang highest-grossing Filipino film of all time na kumita ng P1.6 billion sa takilya!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.